Categories: News

Amyenda sa Saligang Batas iatras na — solons

READ: Amyenda sa Party-list Law iginiit

NANAWAGAN ang mga militanteng kongre­sista sa administrasyon na itigil na ang kilos para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution matapos ang resulta ng pinaka­bagong survey ng Pulse Asia Survey na nagsasa­bing  dalawa sa tatlong Filipino o 67 porsiyento nito ay ayaw sa pag-ikot ng Konstitusyon.

Ayon kay Bayan Muna­ Rep. Carlos Zarate, Akbayan Rep. Tom Villarin, Alliance of Con­cerned Teachers (ACT) party-list Rep. Antonio Tinio at Gabriela Rep. Emmi de Jesus dapat ikonsidera ng gobyernong Duterte ang damdamin ng mga Filipino sa Federalismo at iba pang kilos para baguhin ang Konstitusyon.

Nagbabala si Zarate sa mga nagtutulak ng “self-serving Charter change” na malinaw ang pagtutol ng mga tao sa chacha.

Aniya karamihan sa mga tao ay ayaw sa cha­cha at darami pa ito habang nailathala ang mga hindi makataong probisyon nito.

Ani Villarin, lahat  ng survey ay nagsasabi na ang karamihan ay ayaw sa chacha ngayon at sa mga darating na pana­hon.

Ang pagpilit nito, ani Villarin, ay magdudulot ng “political instability” na lalong gugulo sa krisis pang ekonomiya na ginawa ng administra­s-yon.

Umaalingasaw, ani­ya, ito ng pagka-arogante at pagkawala ng pak­i-ramdam ng gobyerno sa kalagayan ng mga taong nahihirapan sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin at mga patayan sa pekeng “war on drugs.”

Sa panig ni Tinio, ang Pulse Asia survey ay nagpapakita ng matin­ding pagtutol sa Charter change at federalismo.

Para kay de Jesus, ang nasabing survey ay nagpapakita ng kawalan ng tunay na panawagan para baguhin ang Konsti­tusyon.

Aniya, pilit na isinu­subo ito sa mamamayan.

“Lalong nalalantad ang pakanang Cha-cha bilang isang self-serving na hakbang ng rehimen, lalo pa’t may pahayag ang liderato ng Kamara hinggil sa pagpapaliban ng eleksiyon. Panawagan namin sa kababaihan at sa mamamayan na ipakita ang pagtutol sa Cha-cha sa pamamagitan ng paglahok sa malaking pagkilos sa ikatlong SONA (State of the Nation Address) ni [Pangulong Rodrigo] Duterte,” ani de Jesus.

Sinabi ng Pulse Asia, sa survey na ginawa noong 15 Hunyo hangang 21 Hunyo, 67 porsiyento ang ayaw sa chacha.

Sinabi rin sa survey na habang 55 porsiyento ang may alam na may mga kilos sa pag-amyenda ng Konstitusyon, 74 por­siyento ay may kaunting pagka-alam sa nasabing Konstitusyon.

(GERRY BALDO)

 

 

COMMENTS
Gerry Baldo

View Comments

Share
Published by
Gerry Baldo

Recent Posts

#Yato ni Lance, ikinokompara sa Why Can’t It Be ni Rannie

NAGING monster hit sa panahon niya (Rannie Raymundo) ang Why Can’t It Be? At ngayong ang kapatid niyang si Lance naman ang may…

5 hours ago

Kauna-unahang Studio City sa bansa, binuksan na ng ABS-CBN

INILUNSAD na ng na­ngu­ngunang media at entertainment network sa Pilipinas ang ABS-CBN Studio Experience, ang kauna-unahang studio city sa bansa na…

6 hours ago

Jodi, muling nag-top sa klase

SA mga tinatamad nang mag-aral dahil malaki na ang kita nila at may anak na, tularan n’yo si Jodi Sta. Maria. …

14 hours ago

Controversial businesswoman Kath Dupaya handang humarap sa korte (Kapag ‘di totoong tax evader si Joel Cruz)

Bumalik sa bansa kamakailan ang controversial na businesswoman na si Kath Dupaya at ilang araw lang  siyang nag-stay at agad…

14 hours ago

RS Francisco super husay na stage actor

Marami na kaming napanood na stage play pero masasabi naming isa sa pinakamaganda at most expensive local play itong pinagbibidahang…

14 hours ago

Libre ang magpa-book at manood sa Eat Bulaga nang Live

NABUKO ni Willie Revillame ang modus ng mga booker sa kanyang variety game show na niraraket ang mga kaawa-awa nating…

14 hours ago