Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Navotas City: Pulis, 12 pa tiklo sa pot session
Sa Navotas City: Pulis, 12 pa tiklo sa pot session

Sa Navotas City: Pulis, 12 pa tiklo sa pot session

ARESTADO ang isang pulis at 12 drug personalities  sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa Navotas Fish Port Complex sa Navotas City.

Ayon sa ulat ng pulisya, huli sa akto si PO2 Michael del Monte, 42, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente Herbosa St., Tondo, Maynila, at walo pang drug personalities nang maaktohang bumabatak ng hinihinalang shabu.

READ MORE:  Holiday truce sa CPP-NPA tinapyasan ni Digong (Dating 10 araw, anim na lang)

Nauna rito, dakong 11:30 pm, nang madakip sa buy-bust operation nang pinagsanib na mga tauhan ng Navotas City police, District Drug Enforcement Unit (DDEU), at District Special Operations Unit (DSOU), sa pangunguna ni Insp. Danilo Songalia, ang tatlong suspek na sina Romeo Santiago alias Manok, 33; Melenia Santiago, 53, kapwa ng Sagingan, Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North, at Mark Jay-R Ramirez, 30, ng Yellow Ville, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS), makaraan magbenta ng isang pack ng shabu sa police poseur buyer, kapalit ng P500 marked money.

READ MORE:  Kelot natigok sa kandungan ng dalagita sa Digos City
READ MORE:  Suspek sa NBI agent murder 1 patay, 1 arestado sa Rizal safehouse

Pagkaraan  nahuli nila sa aktong gumagamit umano ng shabu si Del Monte, James Castelo, 35; Joselito Amantillo, 54; Ronald Manalus, 22; Efren Alto, 29; Ritchie Buenaventura, 33; Marvin Casil, 38; Juan Batiancilla, 63, at Rose Ann Leong. (ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved