Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pacquiao kampeon na naman
Pacquiao kampeon na naman

Pacquiao kampeon na naman

READ: Kongresista natuwa sa panalo ni Pacman

READ: Panalo ni Pacquiao tagumpay ng sambayanan — Duterte

HINDI pa tapos ang alamat ni Manny “Pacman” Pacquiao. 

Iyan ang pinatunayan ng ‘Pambansang Kamao’ matapos patumbahin sa Round 7 ang katung­galing si Lucas Matthysse ng Argentina upang iuwi ang WBA Welterweight champion sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia kahapon.

Sabik na makasukbit muli ng world title belt buhat nang mapakawalan ang WBO championship kay Jeff Horn noong nakaraang taon, tila ang dating Pacman na may mala-lion na bangis at mala-kidlat na bilis ang nakita sa ibabaw ng lona.

READ MORE:  Kilabot na LBC gang arestado sa ospital

Binuksan ng 39-anyos beterano ang laban sa pag-iskor ng knockdown sa Round 3 at sinundan pa ito sa Round 5 bago tuluyan nang pinatulog ang 35-anyos kampeon.

Hindi na nakabangon pa si Matthysse sa pagka­kayukod sa 2:43 marka ng Round 7 tungo sa kauna-unahang TKO victory ni Pacquiao sa loob ng 9 taon.

Huling nakapag­patum­ba ng kalaban si Pacquiao noong 2009 nang umiskor ng 12th round TKO victory kontra kay Miguel Cotton g Puerto Rico.

Bunsod nito, naabot na rin ni Pacquiao, na nagsisilbing Senador sa Filipinas, ang makasaysayang 60 wins.

Umangat ang kartada niya sa 60 panalo, 7 talo, 2 tabla kasama na ang pambihirang 39 KOs.

READ MORE:  POEA nagbilin vs Ebola virus

Ito rin ang kauna-unahang panalo ni Pacquiao na wala na sa tabi ang kaibigan at long-time trainer na si Freddie Roach matapos siyang magdesisyon na bigyan ng pagkakataon ang matagal na ring assistant trainer na si Buboy Fernandez upang magabayan siya.

Magugunitang nagsa­ma sina Pacquiao at Roach para sa isa sa pina­kamatagumpay na boxer-trainer combo sa kasay­sayan sa loob ng 17 taon at 34 kabuuuang laban.

Sa kabila nito, tagum­pay pa rin si Pacquiao nang kumonekta sa 95 mula sa 344 pinakawa­lang suntok. Nagkasya lamang si Matthysse sa 56-out-of-246 suntok, sa kabilang banda.

READ MORE:  12-anyos dalagita, sundalo utas sa boga ng basketbolista

Samantala, bumag­sak sa 39-5-36 KOs ang kartada ng pambato ng Argentina na si Mat­thysse.

Siyang katangi-ta­nging eight-division bo­xing champion sa buong mundo, maaaring ma­rami pang natitirang kargada si Pacquiao upang pagandahin lalo ang isa nang magandang alamat niya sa ibabaw ng lona.

Dati rin itinanghal na pound-for-pound king, posibleng sunod na makaharap ni Pacquiao ang number one pound-for-pound boxer ngayon na si lightweight cham­pion Vasyl Lomachenko (11-1-9KOs) gayondin ang welter­weight king na si Terrence Crawford (33-0-24KOs).

ni John Bryan Ulanday

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved