Friday , April 19 2024

Christian Bables, bida na sa pelikulang Signal Rock

HINDI maitago ni Christian Ba­bles ang kagalakan sa ibinigay sa kanyang pagka­kataon na tampukan ang pelikulang Signal Rock. Ang naturang pelikula na bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 ay mapa­panood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nationwide. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Chito Roño.

Pahayag ng award-winning actor, “Masaya, masaya and I feel so blessed, I feel so blessed, kasi rati pa­ngarap lang pero ngayon ay nakikita ko na ‘yung pangalan ko, Christian Bables in Signal Rock. So masaya, ang saya-saya po sa pakiramdam.”

Idinagdag ni Christian na pinag­hirapan nila talaga ang pelikulang ito.

“Yes po, pinag­hirapan talaga namin, fifteen days straight na wala halos tulog… pero masaya…

“Sobrang happy po, so­brang happy sa kinalabasan ng pelikula. Kung sa Die Beautiful, feeling ko nailabas ko ang one hundred percent ko, I think ito, hindi ko na mabilang kung ilang percent, kasi, iba talaga…

“Anong tawag dito…? Kasi, kagaya ni Direk Jun (Lana), ibang klaseng magdirek din si Direk Chito, kumbaga parang nailabas niya ‘yung other side of me. Nailabas niya ‘yung bagong ako na hindi pa nakikita ng mga tao. So, I’m excited and I feel so blessed na napupunta ako sa mga direktor na kagaya nila Direk Jun, Direk Chito na binibigyan ako ng pagkakataong mailabas ‘yung passion ko as an actor,” masayang esplika ni Christian.

Ang Signal Rock ay mula sa Cape Signal Rock (CSR) Films at Regal Entertainment at tinatampukan din nina Daria Ramirez, Elora Españo, Francis Magundayao, Mon Confiado, Nanding Josef, at iba pa.

Incidentally, ang kompletong entries sa PPP 2018 ng FDCP na pinamumunuan ng masipag na chairperson at CEO nitong si Ms. Liza Diño ay Ang Babaeng Allergic sa WiFi ni Direk Jun Lana; Signal Rock by Chito Rono; The Day After Valentine’s by Jason Paul Laxama­na; Bakwit Boys by Jason Paul Laxamana; We Will Not Die Tonight by Richard Somes; Pinay Beauty by Jay Abello; Unli Life by Miko Livelo; at Madilim ang Gabi ni Direk Adolf Alix Jr.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *