Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea, nagsanay din ng parkour para makasabay kay Alden
Andrea, nagsanay din ng parkour para makasabay kay Alden

Andrea, nagsanay din ng parkour para makasabay kay Alden

PROUD ang mabait at mahusay na aktres na si Andrea Torres na mapasama sa Victor Magtanggol na pinag­bibidahan ng Pambangsang Bae na si Alden Richards.

Ginagampanan ni Andrea ang role ni Sif isang diyosa (Norse Goddess). ”Ako po rito si Sif, isang diyosa, may power iyong suot kong hair ban.

“Isa akong Norse goddess na siyang gagabay at tutulong kay Victor kapag nasa panganib.

“Kaya mag-a-action din ako rito. Kahit po katatapos ko lang sa ‘Alyas Robin Hood 2’ na nakita naman ninyo kung paano ako makipaglaban sa mga kaaway ni Alyas Robin Hood noon, nag-training pa rin ako ng parkour para makasabay din ako sa pakikipaglaban ni Victor sa mga eksena.

“Maaaliw din kayo, lalo na ang mga batang manonood, dahil mayroon akong pet dito, si Ratatoskr.

“Kaya kahit kumakain kayo ng dinner, at nanonood sa amin, mag-i-enjoy kayo, makare-relate kayo sa story ni Victor Magtanggol.”

Happy nga na nakatrabaho ni Andrea si Alden. ”Good leader ang tingin namin kay Alden sa set, ang gaan-gaan ng aura niya. Kahit anong oras talagang laging nakangiti, parang hindi napapagod sa trabaho,” pagtatapos ng magandang aktres.

READ MORE:  Pagpapaalis ni Mocha sa SPG rating, suportado namin
READ MORE:  It’s Showtime, walang buhay ‘pag wala si Vice Ganda

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved