Friday , March 29 2024

Mga salamisim

SABI ng Bangko Sentral mas marami pa rin daw Filipino na walang savings account sa banko. E paano naman makapag-iimpok ang tao, e walang iimpok sa hirap ng buhay. Dapat kumilos ang pamahalaan, katulong ang taong bayan at mga organisadong sektor, para mabago ang ganitong siste na ang mayayaman lamang ang yumayaman at ang mahihirap ay lalong nababaon sa hirap.

***

Hindi ko alam kung napapansin ninyo kung paano tayo ginugulangan ng mga banko. Alam ba ninyo na kapag nagdedeposito tayo ng pera sa banko ay nagpapautang tayo sa banko ng puhunan? Ito ang dahilan kaya may interes ang ating deposito, pero napansin ba ninyo kung gaano kaliit ang interes na kinikita ng pera natin?

Ngayon kapag tayo ang umutang sa banko, napansin ba ninyo kung gaano kalaki ang interes nito? ‘Yan ang tinatawag na gulang. Harap-harapan tayong ginugulangan kaya kung ako sa inyo limitahan lang ang pagdedeposito at mas gamitin o ipuhunan ang perang hawak sa mga kooperatiba.

***

Nambobola na naman si Rodrigo Duterte kamakailan sa pagsasabing puputulin niya ang haba ng kanyang termino bilang pangulo at gagawin itong co-terminus sa pag-uumpisa ng pagsulat sa bagong saligang batas. Ibig sabihin ay dapat daw maghalal ng bagong presidente para may bagong pinuno sa pagpasok ng bagong saligang batas.

Alam naman niyang hindi puwede ‘yun dahil kung sakaling mag-resign siya sa poder ay automatic na uupo si Vice President Leni Robredo. Hindi rin puwedeng bawasan o iklian ang termino ng pangulo dahil nasa Saligang Batas ito.

Malinaw na bola lamang ang pinagsasabi niya kaya ewan ko kung bakit marami siyang napaniniwala sa mga joke niya.

***

Ang panukalang federalismo ay lalo lamang magpapalakas sa mga warlord at political dynasties sa ating bansa. Lalo lamang nitong hahatiin ang bayan sa panahon na naghahagilap pa tayo ng ating kaakohan o national identity. Sana ay suriin ninyo munang mabuti ang panukalang ito at ang konteksto ng ating kaakohan bago magpahayag ng suporta sa paurong na panu­kalang ito.

***

Sa palagay ng Usaping Bayan, walang masama na kilalanin ang civil union ng mga gay dahil may karapatan naman silang lumigaya at maging legally secure sa pagmamahalang nadarama. Gayonman ay hindi naman nila dapat ipilit na sila’y ikasal sa mga simbahan na hindi tanggap ang pagkakasal sa dalawang tao na may parehong kasarian bilang respeto sa doktrina ng kanilang mga mananampalataya. Para kasi sa maraming simbahan ang kasal ay para lamang sa babae at lalaki bagamat naniniwala tayo na puwedeng basbasan ang kanilang relasyon.

Kung nagagawa nga na basbasan ang bahay, patay o ang mga hayop, may palagay ako na marapat lamang na “short of marriage” ay basbasan din ang kanilang pagmamahalan.

***

Pasyalan ni­nyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com para sa mga balita sa ating nagba­ba­gang panahon. Sa­na ay makau­galian ninyo na bi­s­itahin lagi ang website ng Beyond Deadl­ines. Salamat po. Pa­syalan n’yo rin ang pahayagang Ha­taw sa hatawtabloid.com kung saan lumalabas din ang Usaping Bayan tuwing Miyerkoles at Biyernes.

USAPING BAYAN
ni Nelson Forte Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *