Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Konsehal ecstasy ng Taguig City muntik makalusot dahil sa call-a-friend?
Konsehal ecstasy ng Taguig City muntik makalusot dahil sa call-a-friend?

Konsehal ecstasy ng Taguig City muntik makalusot dahil sa call-a-friend?

TANONG: Paano magiging matagumpay ang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ang mga nahuhuling may posisyon sa local government unit (LGU) ay mabilis na nakapagko-call-a-friend sa mga opisyal na ‘malapit’ din sa Malacañang?!

‘Yan daw ang ginamit na panangga ng isang Taguig councilor nang matimbog sa isang kilalang casino-hotel sa Parañaque at nakuhaan ng hindi kukulangin sa 3o tabletas ng Ecstasy.

READ MORE:  P1.2-B PCOS Refurbishing Contract ‘nasilat’ ng SMARTMATIC (Salamat kay Sixto!)

Kung hindi tayo nagkakamali, nitong nakaraang linggo lang nangyari ‘yan.

Sa totoo lang, itinago pa ito ng ilang police official sa media kasi VIP treatment pala si konsehal sa tanggapan ng isang police bossing.

READ MORE:  VIP treatment sa APEC delegates ‘pasyal-tago’ naman sa mga pinabayaang dukhang pinoy?

Araguy!

Mabuti na lamang at very vigilant ang mga katoto nating media people sa south Metro kaya ‘naamoy’ agad nila na mayroong kakai­bang nangyayari sa opisina ng isang Parañaque police official.

By the way, ano na nga ba ang nangyari kay Konsehal Ecstasy? Nakakulong na ba? Naka­pagpiyansa? O nagpapalamig-lamig na sa opisina ng kanyang call-a-friend?!

READ MORE:  ‘Big Brothers’ & ‘Intel Team’ nina Isko at Erap kontra kotong ‘kuno’?!

Paki-update naman kami Chief Supt Victor Rosete?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved