Thursday , April 18 2024
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

Panganganak at pagpapabinyag, kinompirma ng abogado nina Ellen at John Lloyd

TOTOONG nanganak si Ellen Adarna noong June 27. At totoo ring bininyagan ang sanggol ilang araw pagkasilang.

Ang mga katotohang ‘yan ay nagmula mismo sa abogado ni Ellen na si Rebo Saguisag, ayon sa report ng ABS-CBN news website.

Si Rebo ay abogado ni Ellen na nagtatanggol sa kanya sa demandang child abuse at cybercrimes na may preliminary hearing pa lang sa Prosecutor’s office ng Pasay City. (Si Rebo ay anak ng dating senador na si Rene Sagisag, na isa ring abogado.)

Laging napo-postpone ang pagdinig sa kaso at nag-akusa ang nagdedemandang si Mrs. Myrna Abu Santos na nagpe-”playing for delay” ang kampo ni Ellen, kaya siguro sumagot na ang batang Sagisag na ang panganganak ni Ellen noong June 27 ang dahilan kaya sila humingi ng postponement. Noong June 25 nakaiskedyul ang na-postpone na hearing.

Sa Cebu nakabase ang dating aktres at delikadong magbiyahe ito patungong Metro Manila para dumalo sa preliminary hearing, ayon sa abogado.

“Talaga namang wala kaming dahilan… Sinasabi nila, ‘delay.’ Maybe ‘delay,’ for her to be able to have a safe delivery. And in due time… Mahirap ibyahe, eh. It’s a matter of days pa lang, eh,” pagku-quote ng ABS-CBN news website sa batang Saguisag.

Ayon pa sa abugado, sa report ng ABS-CBN News online, noong nag-post si John Lloyd sa Instagram n’yan g@ekomsi noong July 2 na nagsasabing “fake news”  ang social media report na nanganak na si Ellen at nabinyagan na ang sanggol, alam ng actor na totoo ‘yon.

Gayunman, walang binanggit na detalye ang abogado kung ano ang gender ng sannggol, kung malusog ba , at kung saan ito isinilang.

Mukhang may problema na si John Lloyd sa pagsasabi ng katotohanan.

Payo namin sa kanya: ”Ingat!”

Ang demanda kay Ellen ay resulta ng pagtawag n’ya ng “sinungaling” sa menor de edad na anak na babae ni Mrs. Santos. Ginawa ni Ellen ang pagbibintang sa pamamagitan ng social media network accounts.

Pinagbintangan n’ya ang bata na palihim na kinukunan sila ni John Lloyd ng video nang makasabay nilang kumain ang bata sa isang Japanese noodle house noong Mayo.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *