Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / MMDA lady enforcer sugatan sa armored van
MMDA lady enforcer sugatan sa armored van

MMDA lady enforcer sugatan sa armored van

SUGATAN ang isang lady traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang masaga­saan ng isang armored van sa EDSA, Quezon City, kahapon ng uma­ga.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Enforce­ment Unit, kinilala ang biktimang si Maricel Gammad, Traffic Con­stable III, inoobserbahan sa East Avenue, Medical Center.

Napag-alaman, nang­yari ang insidente dakong 10:00 am sa EDSA-Cubao northbound.

Abala ang biktima sa pagsasaayos ng trapiko nang dumating ang hu­ma­hagibis na armored van na minamaneho ni Dennis Ellaraiz at nabun­dol ang lady traffic enfor­cer.

Agad sumuko sa mga awtoridad si  Ellaraiz na nahaharap sa kasong reckless imprudence result­ing in physical injury.  (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved