Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / May laban sa ibang bansa: Boksingero naaktohan sa drug den
May laban sa ibang bansa: Boksingero naaktohan sa drug den

May laban sa ibang bansa: Boksingero naaktohan sa drug den

IMBES sa boxing ring,  swak sa kulungan ang isang professional boxer makaraan siyang mahuli sa sinalakay na drug den sa Cavite, kamakalawa.

Ayon sa ulat, kabilang sa 16 arestado ng mga awtoridad sa Brgy. Mo­lino 3, Bacoor, Cavite, ang suspek na si Julbirth Tubiana.

Sa surveillance video, makikita ang lantarang bentahan ng ilegal na droga sa gilid lang ng kal­sada.

Mga babae umano ang inuutusang bumili ng droga para hindi maha­lata ang transaksiyon.

Sa 16 nadakip, kasa­ma rito ang mga nagtu­tulak at gumagamit ng dro­ga, kabilang si Tu­biana na may nakatak­dang laban sa ibang ban­sa.

“Napansin natin na ‘yung katawan niya, hindi ordinaryong addict. Du­mating ang manager niya at sinabi niya na alaga niya ito [boxer] at may laban sana sa ibang ban­sa,” ayon kay Supt. Vic Cabatingan, hepe ng Bacoor police.

Hindi itinanggi ng boksingero ang paggamit niya ng droga at nanga­kong magbabago na.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved