Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Apo ni Rizal huling biktima ng hazing
Apo ni Rizal huling biktima ng hazing

Apo ni Rizal huling biktima ng hazing

READ: Apo ni Dr. Rizal patay sa hazing (UST freshman law student)

READ: May susunod pa kayang mamamatay sa fraternity hazing!?

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na nagbi­gay ng ngipin sa anti-hazing law na nagbabawal sa lahat ng uri ng hazing at regulasyon sa initiation rites ng fraternities, sororities at organizations upang maiiwas sa panganib ang kanilang recruits.

Ang Republic Act No. 11053 o “Anti-Hazing Act of 2018” ay bagong ba­tas na inaasahang tu­tuldok sa mga insidente ng pagpatay sa hazing victims.

READ MORE:  Parak tigbak sa ligis at kaladkad ng truck

Inaasahan din na ang batas na ito ang magde­deklarang buhay ng apo ni Gat Jose Rizal ang naging kapalit para ma­wakasan ang  pang-aabuso sa mga neophyte sa loob ng kapatiran.

Magugunitang lumakas ang panawagan para sa mas matinding anti-hazing law bunsod nang pagkamatay ng apo ni Rizal na si University of Santo Tomas (UST) law student Horacio “Atio” Castillo III sa hazing ng Aegis Juris fraternity noong Setyem­bre 2017.

READ MORE:  P4.7-B benefits ng WWII veterans at AFP retirees ibibigay na

Horacio Tomas Atio Castillo III

Ang pamilya ng ama ni Atio ay direktang inapo (descendant) ni Soledad Alonzo Rizal, bunsong kapatid ng pambansang bayani, na napangasawa ni Pantaleon Quintero.

Anak nina Soledad at Pantaleon ang lola ng ama ni Atio na si Amelia Rizal Quintero na na­pangasawa ang anak ni Gen. Miguel Malvar na si Bernabe Malvar.

READ MORE:  Drug ring nabuwag ng QCPD (Grade 6 pupil ginamit na courier)

Sina Amelia at Ber­nabe Malvar ay magulang ng ina ng ama ni Atio, na si Teresita Malvar Cas­tillo, habang ang kapatid ng kanyang ama na si Dr. Gerardo M. Castillo ay laging kumakatawan sa kanilang pamilya tuwing ipinagdiriwang ang Rizal Day sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa Luneta Park.

ni ROSE NOVENARIO

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved