Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Para sa charter change: 2019 elections gustong ipaatras ni Alvarez
Para sa charter change: 2019 elections gustong ipaatras ni Alvarez

Para sa charter change: 2019 elections gustong ipaatras ni Alvarez

NAPAMURA ang citizens sa mungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag nang magdaos ng eleksiyon sa Mayo 2019 at gawin na lang ito sa 2022, bilang unang eleksiyon sa ilalim ng gobyernong Federal.

Para kasing siguradong-sigurado na si Speaker Alvarez na maaaprobahan ang Konsitusyong Federal kaya gusto na niyang balewalain ang isang regular na proseso — ang May 2019 elections.

Hindi kaya naiisip ni Speaker Alvarez na may negatibo itong epekto sa pagsusulong ng Federal Constitution?

READ MORE:  Mag-ingat sa Tower Ground Bulalohan sa Tagaytay! (Attn: Tagaytay Sanitary and Permits Office)

Bakit hindi niya hayaang dumaloy ang demokratikong proseso sa ilalim ng 1987 Constitution gaya ng eleksiyon sa May 2019 nang sa gayon ay makita ng mamamayan na bilang mga tagapagsulong ng Federal constitution ay marunong silang magrespeto sa umiiral na batas at proseso?!

E sa totoo lang, maraming mamamayan ang naghihintay sa 2019 elections na ‘yan para ilaglag ang local government unit (LGU) officials at mga mambabatas na nang maupo sa posi­syon ay walang ginawang mabuti para sa kapa­kanan ng constituents, sa halip, ipinagbili ang kanilang interes at mga batayang panga­ngailangan.

READ MORE:  Balasahan na naman pag-upo ni Morente!?

Kumbaga, sukang-suka na sila!

Halatang-halata tuloy na atat na atat si Speaker na maaprobahan ang Federal Cons­titution dahil mukhang alam na nila kung anong pabor ang makukuha nila.

READ MORE:  ‘Jenny’ hindi type tulungan ni Justice Secretary Leila de Lima?

Kaya pakiusap lang Speaker Alvarez, kung kompiyansa naman kayo na maaprobahan ang Federal Constitution, huwag na ho ninyong harangin ang May 2019 elections na matagal nang inaasam ng naaagrabyado nating mga kababayan.



Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved