Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sue Ramirez, excited na sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi
Sue Ramirez, excited na sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi

Sue Ramirez, excited na sa pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi

AMINADO ang Kapamilya aktres na si Sue Ramirez na excited na siyang maipalabas ang pelikula nilang Ang Baba­eng Allergic Sa WiFi. Tampok sina Sue at Jameson Blake sa naturang pelikula, written and directed by Jun Robles Lana. Ito’y entry sa Pista ng Peliku­lang Pilipino (PPP) 2018 na mapapanood mula August 15-21 sa lahat ng sinehan, nation­wide.

Saad ni Sue, “Gusto ko lang talaga na maipa­labas na ‘yung pelikula, ang tagal na, parang long overdue na ‘yung trailer, tapos ang dami nang nag-aabang talaga. So, excited lang talaga ako na maipalabas na. Malapit na!”

READ MORE:  Telefantasya ng GMA, nangangarag sa pagkawala ni Kylie

Kakaiba ang character ni Sue sa pelikulang ito dahil mayroon siyang EHS (Electro­magnetic Hyper Sensitivity) na allergic siya sa wi-fi. Na­banggit pa niyang very timely ang kanilang pelikula.

“Iyong movie, very fit po siya para sa panahon ngayon. Medyo hirap ako mag-relate kay Norma, sa character ko kasi sobrang hilig niya sa social media. As in super adik siya talaga, lagi siya nakatutok sa phone niya.

“And ‘yun nga siguro po ang pinakamalaking lesson na maiba­bahagi ng pelikula sa milennials, hindi lang po sa milen­nials, siguro sa mga wider ages, is sobra tayong busy na mag-connect online, na naka­­limutan na natin mag-connect sa mga totoong tao na nan­diyan sa paligid natin. So maganda po talaga ‘yung mes­sage ng movie,” aniya.

READ MORE:  Ang Babaeng Allergic sa WiFi, passion project ni direk Jun

Ang pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa WiFi mula sa Cignal Entertainment, Octo­ber­train Films, at The IdeaFirst Com­pany ay tinatampukan din nina Angellie Nicholle Sanoy, Yayo Aguila, Ms. Boots Anson Roa, at introducing si Mar­kus Paterson.

READ MORE:  Sarah, May pinagdaraanan sila ni Matteo

Ang iba pang entry sa PPP 2018 spearheaded ng Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ng napakasipag na chairperson at CEO nitong si Ms. Liza Diño ay mga sumusunod: Signal Rock by Chito Rono; The Day After Valentine’s by Jason Paul Laxamana; Bakwit Boys by Jason Paul Laxamana; We Will Not Die Tonight by Richard Somes; Pinay Beauty by Jay Abello; Unli Life by Miko Livelo; at Madilim ang Gabi ni Adolf Alix Jr.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved