Categories: Hataw Lifestyle

Sa Australia kailangan ng ‘yes’ bago makipag-sex

Share

ISINALANG sa debate ang sexual consent sa Australia.

Salamat sa #MeToo movement, at sinusubukang linawin ng estado sa Australia kung ano nga ba ang ibig sabihin ng consent o pagpayag pagdating sa pakikipagtalik.

Batay sa bagong batas na ipinapatupad na ngayon sa New South Wales (NSW) sa Australia, kung nais makipag-sex, kailangan hilingin ito nang malinaw at nauunawaan ng taong makakatalik. Kailangan din marinig ang malinaw na sagot na “oo” mula sa makaka-sex para maging legal at hindi maging labag sa batas.

Ito’y sa ilalim ng bagong reporma na inihayag ng pamahalaan ng NSW, ulat ng New York Post.

Sadyang inilagay ng nasabing estado, matatagpuan sa east coast ng bansa na ang lungsod ng Sydney ang kabisera, ang sexual consent sa pinakasentro ng isang estratehiya para labanan ang lumalaganap na mga kaso ng sexual assault.

Makaraan ang high-profile rape case na nagpakitang ang umiiral na batas ay hindi sapat para protektahan ang mga biktima.

Naabsuwelto o ipinawalang-sala sa reklamong panggagahasa ang isang lalaking kinilalang si Luke Lazarus matapos ang limang-taong criminal legal battle.

Napatunayan ng jury at dalawang hukom, na ang biktimang babae, noong ginahasa ay 18-anyos pa lang, at hindi pumayag makipagtalik sa lalaki sa likod ng nightclub ng kanyang ama noong 2013.

Napagalaman man ng jury na hindi nga pumayag ang babae, pinagbatayan ng desisyon ng korte para ipawalang-sala ang salarin ang legal issue na kung alam ni Lazarus na hindi pumapayag ang biktimang makipagtalik sa kanya.

Requirement ang magkaparehong kon­disyon para malitis ang inireklamo sa ilalim ng umiiral na mga batas.

Ngayon, sa ilalim ng bagong reporma sa batas na may layuning mag­bigay ng proteksiyon laban sa sexual harass­ment sa workplace o lugar ng trabaho, ituturo sa publiko sa AUS$1 mil­yong advertising camp­aign kung paano maka­kamit ang malinaw na ‘yes.’

Target ng kampanya ang mga kabataang adult sa mga bar at clubs sa pamamagitan ng social media, na may mga mensahe ukol dito tulad ng “no means no” at “silence is not a yes.”

Iniulat ng ABC News na nais ni Minister for the prevention of domestic violence and sexual assault Pru Goward na mag-shift ang ad campaign sa mga cultural attitude na may kaugnayan sa sexual assault at gawin itong ‘second nature’ na mag-request ng verbal consent bago makipagtalik.

Ayon naman sa Australian publication na Whimn, tumaas ang bilang ng mga kaso ng sexual assault sa NSW na umabot sa 12 porsiyento sa nakalipas na 12 buwan o mahigit 13,000 insidente sa records ng NSW Police.

ni Tracy Cabrera

COMMENTS
Tracy Cabrera

Published by
Tracy Cabrera

Recent Posts

Gretchen at Claudine, magkasundo pagdating kay Dominique

BAGAMA’T they don’t really see eye to eye, it would be noticed that Gretchen and Claudine Barretto get along well… Read More

2 hours ago

Mahusay na aktres, iba na ang sexual preferences

NAGBABAGO rin pala ang sexual preferences ng isang utaw. Ito ang na-realize mismo ng isang mahusay na aktres na kaya… Read More

2 hours ago

Onanay, malapit nang tuldukan

MUKHANG malapit nang tuldukan ang seryeng Onanay na puro na lang away nina Mikey Quintos at Kate Valdez ang napapanood. Sa away lang ng dalawanumiikot… Read More

2 hours ago

The Maid in London, ipalalabas sa Malaysia

NAGING matagumpay ang ginanap na dalawang free screening ng advocacy film na The Maid In London sa Robinson’s Galleria noong December 7… Read More

2 hours ago

Liza, naniwalang may forever dahil kay Ice

ANIBERSARYO na ng kanilang maluwalhating pagmamahalan na nasaksihan naman namin ang pag-iisang dibdib nila na taon na ang lumipas sa… Read More

2 hours ago

Sharon Cuneta, may proyekto kay Direk Erik Matti

SA naging pagtanggap ng mga tagahanga nila sa muli nilang pagsasama sa Three Words to Forever maski pa gustuhin nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na… Read More

2 hours ago