Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan
Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan

Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan

READ: Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo

INAASAHAN ng Pala­syo ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na pangungunahan ang opo­sisyon laban sa adminis­trasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na nakagugulat na si Robredo ang mamuno sa oposisyon dahil siya ang pinakamataas na elected member sa kanilang hanay.

“Vice President Leni Robredo’s decision to lead the opposition movement against the Duterte administration is hardly surprising. After all, she is the highest elected mem­ber of the opposition,” ani Roque.

READ MORE:  3 sundalo patay 5 sugatan sa ambush

Naniniwala aniya ang Malacañang na ang aktibong oposisyon ay may mahalagang papel sa isang masigla at umiiral na demokrasya.

Umaasa aniya ang Palasyo na ang kilusang oposisyon ay mag-aalok ng mga alternatibong plataporma ng gobyerno upang malutas ang mga suliranin ng bayan at hindi panay debate lang.

READ MORE:  8 holdaper utas sa Cavite shootout

“We expect that the opposition movement would not only promote responsible and con­s-tructive debate to push the national conversation to a higher level of political maturity but also present to our people a viable alternative platform of government to address the longstanding problems of the nation. Our people deserve no less,” ani Roque.

READ MORE:  Hatol vs police officer pinagtibay ng CA (Protektor ng droga)

Kinompirma kahapon ni Robredo, tinanggap na niya ang panawagan ng ilang mga grupo para pangunahan niya ang mga pagsusumikap na pagbuklurin at magtatag nang malawak na kilusan na bubuuin ng mga pang­kat na kontra-Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved