Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo

Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo

READ: Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipamamana ang Palasyo kay Vice President Leni Robredo dahil kapos sa kakayahan ang bise presidente para pamunuan ang bansa.

Sa media interview sa Pampanga kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya magbibitiw sa puwesto para ipalit sa kanya si Robredo bagkus ang hirit niya sa Consultative Committee at Kongreso ay dagdagan ng probi­syon sa panukalang Federal Constitution na magdaos ng eleksiyon para sa magsisilbing tran­sition president.

“Hindi ako papayag sa succession. I will not resign to make her (Ro­bredo) president. She is incompetent. She is not capable of running this country,” ayon sa Pa­ngulo.

Ang pahayag ng Pa­ngulo ay tugon sa pag­tanggap ni Robredo na pamunuan ang iba’t ibang grupong kontra-Duterte.

Anang Pangulo, ang maiingay na personalidad at grupo na bumabatikos sa kanyang adminis­trasyon ay dati nang nagsilbi sa dating admi­nistrasyon at gustong bumalik sa poder kahit wala silang nagawa ha­bang nakaupo sa puwes­to.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved