Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gary, napasaya ni Coco sa pagdalaw sa kanilang bahay
Gary, napasaya ni Coco sa pagdalaw sa kanilang bahay

Gary, napasaya ni Coco sa pagdalaw sa kanilang bahay

NAKATUTUWA naman si Coco Martin. After niyang mapanood ang interview ni Gary Valenciano sa Rated K noong Linggo, na ini-reveal ng tinaguriang Mr. Pure Energy kay Korina Sanchez, ang pagkakaroon niya ng kidney cancer.

Pero gumaling na ito, cancer free na si Gary. Dinalaw naman agad siya ni Coco sa kanilang bahay. Ipinakita talaga ng actor ang suporta at pagmamahal kay Gary.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Coco ang kanyang larawan kasama si Gary nang dalawin niya ito, na ang caption ay, ”Mahal na mahal ka namin! Ikaw at ang mga kanta mo ang inspirasyon namin. God bless you always, Kuya Gary.”

Tugon naman ni Gary nang makita ang post na ‘yun ni Coco, ”Maraming maraming salamat sa pagbisita mo sa akin kanina Coco. Napasaya mo ang lahat sa pamamahay namin. We love you Coco. I pray God gives me more music that I can sing for your teleseryes. God bless you, my friend. I’ll see you again soon.”

MA at PA
ni Rommel Placente

 

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved