Categories: Hataw Lifestyle

Bisa ng Globe prepaid load isang taon na

INIANUNSIYO ng Globe Telecom na isang taon na ang bisa ng lahat ng prepaid load nito epektibo nitong 5 Hulyo 2018.

“Effective July 5, 2018, all Globe prepaid load, including those with denominations below P300, will carry a one-year expiration period,” pahayag ng Globe.

Ayon sa Globe, dahil dito ay ganap na silang tumalima sa Memorandum Circular No. 05-12-2017 na magkaka­samang ipinalabas ng National Telecommunications Com­mission (NTC), Depart­ment of Information and Com­mu­nications Technology (DICT), at ng Department of Trade and Industry (DTI), na nag­papalawig sa bisa ng lahat ng prepaid load nang isang taon.

Ang kautusan sa one-year validity ng lahat ng prepaid load ng telecommunication com­panies ay nakatakdang ipatu­pad sa lahat ng prepaid load denominations simula noong 5 Enero 2018, ngunit humiling ang kompanya ng palugit, na pinagbigyan naman ng DICT.

Noong 6 Enero, sinimulan ng Globe ang pagpapatupad ng one-year expiration period para sa prepaid load na nagkakahalaga ng P300 at pataas.

”We are grateful to the NTC, DICT and DTI for giving us ample time to prepare for the smooth and seamless implementation of the extension of the expiration period across all deno­minations,” wika ni Globe Corporate Communications Head Yoly Crisanto.

 

COMMENTS
hataw tabloid

Share
Published by
hataw tabloid

Recent Posts

Happiest birthday Boss Robz!

Our dearest Boss Robz, May you keep that inner child within you. We are excited to see greater things unfold…

8 mins ago

Female star-TV host, nahihilig sa bagets

MAYROON din palang isang male star na naging bahagi ng isang youth oriented program na sikat noong araw na na-pick…

14 mins ago

Tribute concert para kay Rico J. Puno, sa Nov. 23 na

SA November 23 mapapanood sa The Theater at Solaire ang Music and Laughter, tribute concert para kay Rico J. Puno.…

16 mins ago

Tetay, galit sa magnanakaw

WAPAKELS as in walang pakialam si Kris Aquino kung maubos man ang kanyang yaman makamit lang niya ang kanyang hinihinging katarungan laban sa taong nanloko sa kanya…

38 mins ago

Paring nangmolestiya kay Bea Rose, dapat matukoy

PAANO kung hanggang ngayon ay nangmomolestya pa rin ng mga bata sa Masbate ang pari na ‘yon na nanglapastangan kay 2013…

41 mins ago

‘Bato’ ni Darna nawawala kaya ‘di na matuloy-tuloy?

ANO ba ang nangyayari talaga at naurong na naman ang pagsasa-pelikula niyang Darna? Noong una ay sinasabing tuloy na tuloy…

52 mins ago