Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Termino tatapusin ni Duterte sa 2019
Termino tatapusin ni Duterte sa 2019

Termino tatapusin ni Duterte sa 2019

READ: Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte

BABABA na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag naapro­bahan ang Federal Con­stitution sa 2019 dahil pagod na siya at ayaw nang magsilbing tran­sition leader.

Ayon kay Presi­dential Spokesman Har­ry Roque, ikinabigla ng mga miyembro ng gabi­nete ang anunsiyo ng Pangulo na maaaring hanggang 2019 na lang sila sa puwesto.

READ MORE:  P2,300 tinapyas sa Teachers’ CoLA ‘di nabawi ng PPSTA

Sinabi ni Roque, sa pagsisimula ng regular cabinet meeting sa Palasyo kahapon, inianun­siyo ng Pangulo na pinu­long niya ang Consulta­tive Committee na bagu­hin ang nakasaad sa transitory provision ng draft federal constitution.

READ MORE:  Villar SIPAG naglunsad ng chorale festival Para kay San Ezekiel Moreno

Ayon sa Pangulo, dapat ay ihalal ang mag­sisilbing transition leaders kapag naaproba­han ang federal form of govern­ment.

READ MORE:  Pag-alis sa Kuwait total deployment ban epektibo agad

Tiwala aniya ang Pangulo na maipapasa ito sa 2019.

Ginawa aniya ng Pangulo ang panukalang ihalal ang transition leaders para mawala ang suspetsa na mayroon siyang ibang binabalak kaya isinusulong ang charter change.

ni Rose Novenario

About Rose Novenario

One comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top