Categories: Bulabugin

Graft charges kay Gov. Imee sa tobacco taxes, long overdue na?

Share

MUKHANG mababalam ang karera ng lodi nating ex-Kabataang Barangay national chairman, Ilocos Norte Governor Imee Marcos patungo sa Senado dahil sa hindi tamang paggamit ng tobacco tax shares ng kanilang lalawigan.

Atrasado mang masasabi, inirekomenda na ng Kamara ang pagsasampa ng kaso laban sa gobernadora at sa Ilocos Norte provincial officials na lumabag sa Republic Act No. 7171.

Isinasaad umano sa nasabing batas na ang tobacco tax ay hindi maaaring gamitin labas sa layunin nitong isulong ang pagsasarili ng tobacco farmers sa pamamagitan ng kooperatiba, livelihood, at sa iba pang agro-industrial at infrastructure projects.

Kung hindi tayo nagkakamali, ito ‘yung mainit na pinag-usapan noon sa Kamara at ikinulong pa ang mga opisyal ng lalawigan dahil ayaw nilang magsalita.

Sa Committee Report No. 638, nais  ng Kamara na panagutin si Madam Imee, ang kanyang mga opisyal at ang isang Mark Chua, kinilalang kanyang “longtime partner”  dahil sa “highly irregular and illegal” na pagbili ng 110 Foton minicabs na sinabing overpriced nang P21.45 milyones.

Hindi naman pala ‘plunderous’ dahil hindi umabot sa P50 milyones, pero ang P21.45 milyones ay P21.45 milyones!

Kahit na nga bilyon-bilyon ang halaga ngayon ng mga government projects, ang P21.45 milyon ay malaking halaga pa rin lalo kung ang dapat makinabang ay mga kababayan nating namu­muhay below poverty level.

Nabatid din sa imbestigasyon na P270,000 bawat yunit ang benta ni Granstar Motors and Industrial Corp. president Fabian Go sa minicabs kay Chua.

Ipinagbili naman ni Chua, ang sasakyan sa provincial government sa halagang P465,000 bawat isa, na lumalabas na pinatungan ng P195,000.

At bukod nga sa may ‘tongpats’ hindi rin ito pinapayagan sa ilalim ng Republic Act No. 7171.

Nasabit ang provincial officials sa iregu­laridad dahil sa paglabag sa Government Pro­curement Reform Act dahil ang pagbili umano sa nasabing mga sasakyan ay sa pamamagitan ng direct contracting imbes sa public bidding.

Walang specific appropriation ordinance ng Sangguniang Panlalawigan para sa pagbili ng nasabing mga sasakyan, at ang lump-sum funds ay ilegal na ginamit, ayon sa ulat.

Maging ang cash advances para bayaran ang sasakyan ay hindi rin awtorisado ng Commission on Audit.

‘Yan ang mga basehan ng Kamara para sampahan ng kaso sa Ombudsman si Gov. Imee.

Kumbaga, “nick of time” lang ang mang­yayari ngayon… sino ang mauuna, ang asunto o ang filing of candidacy?!

Kaabang-abang ang pangyayaring ito… sabi nga sa komiks, huwag bibitaw!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS
Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Published by
Jerry Yap

Recent Posts

Gretchen at Claudine, magkasundo pagdating kay Dominique

BAGAMA’T they don’t really see eye to eye, it would be noticed that Gretchen and Claudine Barretto get along well… Read More

2 hours ago

Mahusay na aktres, iba na ang sexual preferences

NAGBABAGO rin pala ang sexual preferences ng isang utaw. Ito ang na-realize mismo ng isang mahusay na aktres na kaya… Read More

2 hours ago

Onanay, malapit nang tuldukan

MUKHANG malapit nang tuldukan ang seryeng Onanay na puro na lang away nina Mikey Quintos at Kate Valdez ang napapanood. Sa away lang ng dalawanumiikot… Read More

2 hours ago

The Maid in London, ipalalabas sa Malaysia

NAGING matagumpay ang ginanap na dalawang free screening ng advocacy film na The Maid In London sa Robinson’s Galleria noong December 7… Read More

2 hours ago

Liza, naniwalang may forever dahil kay Ice

ANIBERSARYO na ng kanilang maluwalhating pagmamahalan na nasaksihan naman namin ang pag-iisang dibdib nila na taon na ang lumipas sa… Read More

2 hours ago

Sharon Cuneta, may proyekto kay Direk Erik Matti

SA naging pagtanggap ng mga tagahanga nila sa muli nilang pagsasama sa Three Words to Forever maski pa gustuhin nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na… Read More

2 hours ago