Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Magulang mananagot: 2-anyos paslit iniwan sa kotse
Magulang mananagot: 2-anyos paslit iniwan sa kotse

Magulang mananagot: 2-anyos paslit iniwan sa kotse

POSIBLENG maharap sa kasong child abuse ang mga magulang ng 2-anyos paslit na iniwan sa loob ng kanilang sasakyan sa Pasig City, nitong Linggo ng madaling-araw.

Nabatid na nag-viral sa social media ang video ng insidente na nangyari sa labas ng isang bar sa Pasig City.

Patay ang makina ng sasakyan at may maliit lang na siwang sa bintana, kuwento ni Jasper Pascual, na nakakita sa paslit na nasa 2 o 3-anyos, at kumuha ng video sa lagay ng biktima.

READ MORE:  Cigarette vendor panalo ng P61.3-M sa 6/55 Grand Lotto

“Pawis na pawis na, iba ang iyak … Ang gulo ng thoughts ko, balak ko basagin [ang bintana], pero baka tamaan ang bata. Pero sabi ko kapag ‘di dumating parents, babasagin ko na rin siguro pero sa likod,” pahayag ni Pascual.

READ MORE:  DAP projects walang paper trail?

Nasa 10 minuto aniya ang pagitan mula nang madiskobre ang paslit sa loob ng Toyota Fortu­ner at nang makahingi ng tulong si Pascual, ngunit posible umanong mas matagal pang nasa loob ng sasakyan ang biktima.

READ MORE:  2 biktima ng salvage itinapon sa ilalim ng Quezon Bridge

Hindi na nakuhaan ng video ang pagdating ng mga magulang, ngunit sinabi ni Pascual na nagalit pa ang mag-asawa sa guwardiyang tumulong sa kaniyang makuha ang paslit.

Agad aniyang umalis ang pamilya makaraan ang komprontasyon.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved