Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan
Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan

Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan

READ: 5 OFWs dinukot sa Iraq, Libya

READ: Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash

BINAWIAN ng buhay ang isang Filipino sa Padova, Italy makaraan pagsasaksakin ng kaba­ba­yang nakaalitan niya dahil sa selos.

Nabatid sa paunang imbestigasyon ng puli­s-ya, ilang beses nang hina­mon ng away sa social media ng biktimang si Walter Crispin Saha­gun, 51, ang suspek dahil sa hinalang may relasyon ang huli sa kaniyang dating kinakasama.

Nitong Huwebes, nag-away umano si Sa­hagun at ang 36-anyos suspek sa isang parking lot.  Patay na ang biktima at tadtad ng saksak sa braso, binti at mukha nang matagpuan ng mga pulis.

Habang nakatakas ang suspek ngunit nahuli siya kalaunan sa tulong ng mga saksi.

Narekober sa crime scene ang dalawang katana o Japanese sword.

Nakuha sa sasakyan na ginamit ng biktima ang isang compressed air pistol at backpack na may pera, alahas at pa­saporte.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved