Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P6-M shabu nasabat sa Cebu
P6-M shabu nasabat sa Cebu

P6-M shabu nasabat sa Cebu

KOMPISKADO ang P6 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang high-value target sa Sitio Lawis, Brgy. Mam­baling, Cebu City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni C/Insp. Regino Maramag, hepe ng Pardo Police Station, ang arestadong suspek na si Reneil Estomago, 28-anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Inihayag ng pulisya, nakabili ang mga operatiba ng shabu mula sa 27-anyos suspek makaraan ang isang buwan surveillance.

Nang madakip ang suspek makaraan tanggapin ang marked money, nakuha sa kaniya ang kalahating kilo ng shabu na nasa limang pakete.

Iginiit ng suspek na hindi sa kaniya ang droga at napag-utusan lang umano siyang i-deliver ito kapalit ng P500.

Inaalam ng pulisya kung sino ang supplier ng suspek.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved