Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Misis iniwan ni mister, nagbigti
Misis iniwan ni mister, nagbigti

Misis iniwan ni mister, nagbigti

NAGBIGTI ang isang 36-anyos misis makaraan iwa­nan ng kanyang mister sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Lucila Genoso, residente sa Valenzuela City, natag­puang nakabigti sa bahay ng kan­yang kaibigan sa Bonifacio St., Brgy. Tugatog, Malabon City, 12:45 ng madaling-araw.

READ MORE:  Repatriation ng 7 tsekwa inaayos ng BI (Sa lumubog na barko sa Tawi-Tawi)

Sa pahayag ng kaibigan ng biktima na si Geneflor Alabata, 35, sales super­visor, kay PO2 Alcee Clemente Jumaquio, nang dumating siya dakong 12:00 am, napansin niyang ang main door ng kanilang bahay ay nakakandado sa loob kaya’t tinawagan niya sa telepono ang biktimang naiwang mag-isa ngunit hindi aniya sumasagot.

READ MORE:  Lapses sa security ng Cavite mall hostage crisis, aalamin ng PNP-SOSIA

Bunsod nito, humingi ng tulong si Alabata sa kanyang mga kapitbahay at sapilitang binuksan ang bahay. Pagka­raan ay nadiskobre nilang nakabigti ang biktima at wala nang buhay.

READ MORE:  Leftists aasuntohin sa pagtulong sa NPA

Nabatid sa imbesti­gasyon, iniwan ng kanyang mister ang biktima dahil wala siyang kakayahang makabuo ng sanggol.

(ROMMEL SALES)

 

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved