Categories: Sports

Frayna yuko sa round 3

YUMUKO si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kay International Master Gargatagli Hipolito Asis ng Spain matapos ang 39 moves ng Caro-kann sa round three ng 41st Open International Barbera del Valles 2018 Chess Cham­pionship sa Barbera de Valles, Spain.

Nanatili sa dalawang puntos si 22-year-old Frayna kaya naman nalaglag siya mula sa tuktok.

Nalasap ni former Far Eastern University star Frayna ang unang kabi­guan matapos isulong ang panalo sa rounds 1 at 2 kontra Joshi Supriya ng India at 10th seed GM Marius Manolache ng Romania.

Kasama si Frayna sa 29-player group sa 10th place. Hawak ang itim na piyesa, nakalamang si Frayna ng isang pawn sa opening subalit sumulong ng matinding kombina­syon si Asis at nagkaroon ito  ng central pawn na si­yang nagpanalo sa kanya.

Hindi na tinapos ni Frayna ang laro dahil mga ilang sulungan na lang ay mabibihag ang kanyang rook.

Tabla ang laban ni grandmaster Eugene Torre kay Indian woodpusher A. Ra. Harikrishnan.

May pagkakataon si Fray­na na makabawi, ma­kakalaban niya sa susu­nod na laro si sixth seed IM Venkataraman Karthik ng India.

Makakalaban naman ni 66-year-old Torre si Anand Saurabh ng India.

Ang kampanya ni Frayna ay suportado ng Philippine Sports Commis­sion at ni Philippine STAR president at CEO Miguel Belmonte. (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS
Arabela Princess Dawa

Share
Published by
Arabela Princess Dawa

Recent Posts

Polo Ravales, thankful sa bagong project sa BG Productions International

BALIK-BG Productions International si Polo Ravales. Isa siya sa tampok sa pelikulang may working title na Hipnotismo. Uumpisahan na ngayong…

2 hours ago

Coco, sobra-sobra ang respeto sa pulisya; dialogo kay Albayalde, hiniling

HUMINGI ng paumanhin kamakailan si Coco Martin kay Philippine National Police Director General Oscar Albayalde gayundin sa buong pulisya kung hindi naging maganda ang dating…

2 hours ago

Calvin at lola nito, gagawing endorser ni Vice ng kanyang Vice Cosmetics

ANIMO’y may rally o kampanya kahapon ng hapon sa Market Market dahil sa rami ng taong nag-abang sa pagdating ni Vice…

2 hours ago

Kris Aquino, kakasuhan ang abogadong kapatid ni Nicko Falcis

NAGLABAS ng statement si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa Divina Law bilang tugon sa mga ipinahayag ni Atty. Jesus Falcis sa media…

2 hours ago

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?! Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa…

3 hours ago

Comelec: Walang masama sa pagtakbo ni Alan at Lani sa Taguig

ANG Commission on Elections na mismo ang nagsabi na walang illegal o masama sa pagtakbo ni dating Foreign Affairs Secretary…

3 hours ago