Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cocolife nilampaso ng Ph Nat’l Team
Cocolife nilampaso ng Ph Nat’l Team

Cocolife nilampaso ng Ph Nat’l Team

PRENTE  ang women’s national team sa pagkalos sa Cocolife Asset Man­agers, 25-13, 25-17, 25-11 sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Kahit kulang sa sandata ay tinapos ng Nationals sa tatlong sets ang Asset Managers.

Siyam na players lang ang naglaro, inangklahan ng magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Manabat ang Nationals upang kalusin ang Asset Managers sa loob lang ng 71 minuto.

READ MORE:  Sobrang liyamadong karera at ang United Boxing gym sa Manila

Bumira si Santiago ng 17 points, kasama ang 13 kills at apat na service aces habang nagtala ang ate nitong si Dindin ng 12 hits para sa Pilipinas na nilista ang 1-0 card.

No-bearing ang lahat ng talong laro ng national team sa event na supor­tado ng Isuzu, UCPB Gen at SOGO Hotel kasama ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang broad­cast partners.

READ MORE:  Blackwater makaaakyat sa PBA

Tumikada rin si setter Kim Fajardo ng 29 excellent sets habang nire­histro ni Mylene Paat ang pitong puntos at 13 digs.

“We’re still adjusting and we missed a lot of key players but the important thing all the players delivered for us,” saad ni national head coach Shaq Delos Santos. “Even it was a game without any bearing, we’re still thankful that we won our first game.”

READ MORE:  Apat na BKs nagkaisa at nakatama

Bumakas si skipper Aby Maraño ng six mark­ers at limang service aces para sa Nationals.

Wala sa Asset Man­agers spikers ang nakaabot ng double figure scores, tumipa si Justine Tiu at Jela Peña ng tig-anim na puntos. (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved