Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 OFWs dinukot sa Iraq, Libya

5 OFWs dinukot sa Iraq, Libya

READ: Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash

READ: Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan

INIULAT ng Department of Foreign Affairs nitong Linggo, humingi sila ng tulong mula sa mga awtoridad ng Iraq at Libya para sa ligtas na pag­pa­palaya sa limang Filipino na dinukot ng armadong kalalakihan sa mag­kahiwalay na insidente.

READ MORE:  2 holdaper utas sa parak

Kabilang sa mga biktima ang tatlong Filipino technicians na dinukot sa Libya noong Biyernes ng hindi natukoy na grupo mula sa waterworks project, 500 kilometers mula sa Tripoli, ayon sa DFA.

Dinukot din ng mga kidnapper ang isa pang foreign worker at apat Libyans ngunit pinalaya kalaunan.

READ MORE:  NAIA security check sisimulan ngayon ng TSA

Samantala, dalawang Filipina ang dinukot ng armadong kalalakihan mula sa kanilang sasak­yan sa highway sa Uzem district sa Iraq.

Ang mga biktima ay patungo sa Baghdad kasama ng dalawang iba pang Filipina, na kalaunan ay nakatakas at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya, ayon sa DFA.

READ MORE:  P70K natangay ng kawatan sa lotto outlet

“We are in touch with authorities in Iraq and Libya and have requested their assistance in locating and securing the release of our missing kababayan,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Hindi pa inihahayag ng DFA ang pagkaka­kilanlan ng mga biktima.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved