Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah at Lovi, mawawala ng 1 buwan
Sarah at Lovi, mawawala ng 1 buwan

Sarah at Lovi, mawawala ng 1 buwan

NAKAGAWIAN na ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na nawawala sa sirkulasyon sa buong buwan ng Hulyo dahil ito ang kanyang birth month (July). Kailangan na rin itong magpahinga pagkatapos ng kanyang sunod-sunod na concerts, here and abroad.

Sa panayam kay Vic del Rosario, kinompirma nito na consistent na namamahinga ang Pop Star tuwing birthday month (July 25) nito. Wala siyang kompirmasyon kung saan magbabakasyon ang kanyang alaga.

READ MORE:  Grabe naman ang pictorial director ni Tugonon!

Natapos na ng Pop Superstar ang kanyang concert tour sa Amerika.

Sa pagbalik nito ay hinarap ang shooting ng Miss Granny (Twenty Again) na may playdate na August 22. Katatapos lang nito ng kanyang Davao concert entitled This Is 15 noong June 30.

READ MORE:  Contradiction sa pagkatao ni Sylvia, nakita ni Ricky Lee

Katulad ni Sarah, mawawala rin ng isang buwan si Lovi Poe at ang dahilan ay mag-aaral ng intensive acting sa isang acting school sa USA. May nagtataas ng kilay kung bakit kailangan pang mag-aral ng acting kung wala namang pinaghahandaang big budgeted movie na gagawin.

READ MORE:  Marion, ‘di totoong nagalit kay Garie

May tsika ring mag-a-abroad si Jolo Revilla para kumuha ng kurso na may kinalaman sa kanyang pagiging politiko. Kailangan niya ng karagdagang kaalaman para sa pag-aambisyon ng mas mataas na posisyon sa gobyerno.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved