Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cinco Boys, classy ang dating
Cinco Boys, classy ang dating

Cinco Boys, classy ang dating

HINDI na rin paaawat ang alaga kong Cinco Boys under the management of Kristian Kabigting.

Pansin na pansin na rin sa social media ang Cinco Boys. Magaling silang sumayaw at kumanta. Maayos silang manamit at sosyal ang atake nila.

Limang naguguwapuhang bagets na kahit saan mo dalhin, jusko, pansinin sila at tinitilian talaga. Sila ay sina Adel, Basty, Carl, Dex, at Emman.

Classy ang datingan nila at ang lalakas ng appeal talaga.

Sa katatapos lang nilang performance sa Track 01The Ignition Show, saksi ako kung paano dumugin ng fans ang grupong ito na magre-record na ng kanilang first digital single na mismong si Dex na kasama sa grupo ang nagsulat ng lyrics.

Heto pa, mabenta rin ang mga bagets sa mga school shows and out of town appearances kaya naman abot langit ang tuwa ko sa inaalagaang Cinco Boys dahil hindi ka mapapahiya sa kanila. Ibang klase!

Met their parents and nakita ko rin sa mga magulang nila ang discipline nila. Maipagmamalaki mo talaga sila.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved