Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joel Reyes Zobel, ayaw patulan si Jay Sonza
Joel Reyes Zobel, ayaw patulan si Jay Sonza

Joel Reyes Zobel, ayaw patulan si Jay Sonza

NGITI lang ang sagot ng very humble at A1 DZBB 594 anchor na si Joel Reyes Zobel sa patutsada sa kanya at sa ilan pang mga kapwa nito anchor ni Jay Sonza.

At kahit anong pilit nga namin itong magbigay ng saloobin patungkol sa bintang sa kanila ng formerKapuso host na nakasama noon ni Tita Mel Tiangco sa Mel and Jay ay wala ni katiting na salita mula sa mga labi ni Sir Joel.

READ MORE:  Coco, ‘di pa rin natitinag sa pagiging Primetime King
READ MORE:  Winwyn, sobrang nalungkot sa sinapit ni Mark Anthony

Marahil ay sapat na nga ang naging pahayag nito sa kanyang social media account nang lumabas  ang mga negatibong patamang pahayag ni Jay.

Sinabi nito na nirerespeto niya kung ano man ang naging pahayag ni Jay dahil karapatan nitong sabihin ang kanyang saloobin.

READ MORE:  Ai Ai, ‘di tumutulong kung walang publicity na makukuha?

At dahil nga sa naging pahayag na ito ni Sir Joel ay marami siyang napabilib na netizens na nagsasabi na mabait at marespeto ang A1 anchor ng DZBB.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved