Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagbabalik ng Cuneta sa Pasay, kaabang-abang
Pagbabalik ng Cuneta sa Pasay, kaabang-abang

Pagbabalik ng Cuneta sa Pasay, kaabang-abang

NAGPAREHISTRO bilang voter si Cesar o Chet Cuneta, kuya ni Sharon Cuneta, na balitang tatakbo sa pagka-mayor ng Pasay City sa 2019 (national at) local elections.

Para sa impormasyon ng marami, si Chet ay kamag-aral ng inyong lingkod sa Sta. Clara Parish School, isang exclusive school for boys.

That time ay mayor na ang kanyang amang si Pablo Cuneta at nagsisimula pa lang ang singing/recording career si Sharon.

READ MORE:  Joyce at Kristoffer, palaban na

Mahigit tatlong dekada ring nagtrabaho bilang piloto (captain sa Cebu Pacific) si Chet na handa niyang iwan kapalit ng tawag ng paglilingkod.

Ang alam namin dati—bago ang 2000—ang matunog na tatakbong mayor sa nasabing lungsod ay si Sharon mismo. For some reason ay hindi ito natuloy.

READ MORE:  Payo ni Nash sa mga kabataan sa seryeng “Bagito” mag-ingat sa tukso

Minsan nang tumakbo si Chet bilang city councilor ng Pasay City pero hindi pinalad. Baka hindi pa hinog ang panahon niya noong time na ‘yon.

Sa kanyang pagtakbong mayor (45 days ang duration ng campaign period sa local level), naiimadyin na naming masaya ang bawat campaign sortie ni Chet at ng mga bumubuo ng kanyang tiket.

READ MORE:  Coco, tututok sa creative ng Popoy En Jack; Mike Tuviera, direktor

Dahil maka-kuya si Sharon, siyempre, isasantabi niya muna ang kanyang mga showbiz commitment bilang pagsuporta sa kanyang kapatid. Abangan ang pagbabalik ng Cuneta sa Pasay politics? Why not?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved