Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P1.2-M shabu kompiskado sa follow-up ops sa Pasig

P1.2-M shabu kompiskado sa follow-up ops sa Pasig

INIHARAP nina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director General Guillermo Eleazar at Eastern Police District director, S/Supt. Bernabe Balba ang nasabat na 33 piraso ng sachet ng hinihinalang shabu, tinatayang 190 gramo at P1.2 milyon ang halaga, makaraan makompiska sa arestadong miyembro ng Amin Buratong drug syndicate na si Antonio Intalan, 49-anyos, sa ikinasang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Intelligence Unit (DIU) ng Pasig City Police, sa Old MRR St., Brgy. Pineda, Pasig City. (ERIC JAYSON DREW)

BUMAGSAK sa mga awtoridad ang umano’y huling miyembro ng Bu­ratong drug syndicate, sa ikinasang buy-bust operation at narekober ang 27 medium sachet ng shabu sa Brgy. Pineda, Pasig City, nitong Martes.

READ MORE:  Serbisyong Lim na “from womb to tomb” paiigtingin
READ MORE:  61-anyos lola huli sa maraming armas

Sa ulat ni EPD direc­tor, S/Supt. Bernabe Balba, kinilala ang suspek na si Antonio Intalan, 49, isang construction work­er.

Nakompiska mula sa suspek ang 190 gramo ng ilegal na droga, tinata­yang mahigit P1.25 milyon ang halaga.

READ MORE:  Huling pag-asa ng Pinay sa death row (Judicial review ng Indonesian SC)

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Guillermo Elea­zar, kabilang si Intalan sa Top 10 high value target category level 1 ng Eastern Police District (EPD).

Nabatid na kabilang din ang suspek sa mga miyembro ng Amin Bu­rat­ong Drug Syndicate na nasa likod ng operasyon ng Pasig shabu tiangge.

Dagdag ni Eleazar, ang pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng follow-up operation makaraan madakip ka­ma­kailan sa magkahi­walay na buy-bust opera­tion ang iba pang miyem­bro ng Buratong drug syndicate sa Pasig City, at nakompiska ang mahigit P680,000 at P1.36 milyong halaga ng shabu. Si Intalan ay maha­harap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Danger­ous Drugs Act of 2002. (ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved