Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Imus Productions, magiging aktibo na naman sa paggawa ng pelikula
Imus Productions, magiging aktibo na naman sa paggawa ng pelikula

Imus Productions, magiging aktibo na naman sa paggawa ng pelikula

HINDI na nga paaawat pa ang iconic Imus Productions dahil ngayong taon ay isasalang na sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Film Development Council of the Philippines ang trilogy film na Tres na bida sina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla kasama ang mga kapatid nitong sina Bryan at Luigi Revilla.

READ MORE:  Hindi po ako natatawa o matutuwa sa misfortune ng iba — Sunshine

Bibida si Jolo sa 72 Hours, si Bryan naman sa Virgo, at si Luigi sa Amats.

Dalawang direktor ang humawak sa Revilla brothers, ito’y sina Direk Dondon Santos at Richard Somes.

May kanya-kanyang kuwento ang tatlong episode kaya naman nangako ang tatlong bida ng pelikula na magiging sulit ang ibabayad ng manonood.

READ MORE:  Romnick, magiging aktibong muli sa showbiz

Oo nga pala, after six years ay muling nagbalik sa pagpo-produce ng pelikula ang Imus Productions. Natutuwa naman ang tatlong bida dahil desisyon pala ng kanilang pamilya na sila dapat ang bumida sa comeback movie ng kanilang family business film production.

READ MORE:  William Thio, 2015 Most Promising News Personality sa Gawad Amerika

Bongga ang pelikula dahil mayroon pa itong gagawing music video ganoon din ang paglapat ng movie themesong na mismong si Jolo ang sumulat nito na binigyang tunog naman ng sikat na compositor at direktor na si Direk Joven Tan. (DOMINIC REA)

 

 

 

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved