Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ameera Johara, Pinay Wonder Woman
Ameera Johara, Pinay Wonder Woman

Ameera Johara, Pinay Wonder Woman

KILALA at sikat si Ameera Johara sa mundo ng Cosplay dahil siya ang tinaguriang Wonder Woman ng Pilipinas. Sa ganda at tindig, hindi naman talaga pahuhuli ang batang aktres na napapanood sa kasalukuyan sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Jackie Rice, Martin del Rosario at iba pa.

Bagamat last year lang pinasok ni Ameera ang showbiz, masuwerte naman siyang agad nabibigyan ng project simula nang itampok siya sa Kapuso Mo, Jessica Sojo bilang Wonder Woman ng ‘Pinas.

“Nag-cosplay muna ako at doon ako nakilala,” sambit ni Ameera nang makatsikahan namin siya kasama si Jeffrey Gonzales ng dating That’s Entertain­ment sa Coffee Project.

“Kasi talagang nagco-cosplay na ako as Wonder Woman tapos na- discover ako ng talent scout at pinag-guest muna ako sa KMJS. After this, pinag-audition na ako at ‘yun pinapirma na ako ng kontrata,” tuloy-tuloy na kuwento ng 5’6″, 15 year old na dalaga.

Kung hitsura ang pagbabasehan, tamang-tama ang role na ibinigay sa kanya sa HKKIK, malditang bestfriend ni Jackie.

READ MORE:  Arjo, nandiri kay Paloma

“Masasabing isa ako sa nang-aapi kay Yasmien pero hindi ako masyadong mapang-api kasi may guilt na kaunti. Kumbaga, hindi full ang pagka-inis kay Thea,” kuwento ni Ameera na dahil sa role ay nakatatanggap ng mga bash sa social media.

“Pero ok lang po na bina-bash ako ‘wag lang po ‘yung below the belt. Usually po ang natatanggap kong puna ay ‘yung tungkol sa boses ko o may advise sila na parang reklamo. Gusto ko naman na makarating sa akin para ma-improve ko.

“’Yang mga ganyang haters is okey lang naman po, kasi ibig sabihin  effective ang work ko,” sambit pa ni Ameera.

Bagamat hindi siya ma-social media, ang kanyang ina ang taga-report ng mga puna sa kanya. “Sensitive ako kaya si mami na lang nagtsi-tsek. Tinatanong ko si mommy kung appropriate sabihin ‘yun or masyado nang below the belt.”

At bago naging mainstay sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, lumabas na muna siya sa ibang show ng GMA tulad ng Maynila at Super Ma’am ni Marian Rivera.

READ MORE:  Kabaliwan ni Pauline, nakababaliw

At tulad ni Wonder Woman na tinutulungan ang mga nangangailangan, na-adopt na rin iyon ni Ameera dahil marami rin siyang charity na ginagawa. Iyon ay sa tuwing ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan.

Tulad ngayong July na birthday month niya, agad siyang nagsagawa ng feeding program sa isang lugar sa Tondo kaugnay ng kanyang 16th birthday.

“Nag-start ‘yun sa pagko-cosplay ko bilang Wonder Woman. Bale noong lumabas iyong Dawn of Justice, nakahiligan ko na siya (Wonder Woman). At mayroong foundation na ang pangalan ay Superhero Friends.

“So they based their action sa superhero. And then noong nakita nila ako they invited me to participate sa charity nila. Since then, nagustuhan ko na ‘yung feeling na nakikita ko‘yung ngiti sa mga bata.”

Edad 13 nag-umpisa si Ameera sa gawaing ito.

“So far dalawang institution ang kinakausap naming for my July 18th birthday.

“Inumpisahan na naming sa Tondo Brgy. 163. May foundation na roon naka-base, Lion International.

“Marami pa around Tondo. Ang main na ginagawa namin nagpapakain then may program every other day at may feeding.

READ MORE:  Osang, hiling na isalang sa Mababang Kapulungan

“May binabalak pa kami kasama ang ibang superfriends hindi pa lang final ang lugar,” masayang paglalahad ni Ameera.

Dahil mahilig siya sa mga superhero, natanong siya kung ninais din niyang maging Darna.

“Masayang mapunta sa action scenes. Na-try ko na sa ‘Super Ma’am’ at na-enjoy ko ‘yun kalaban ang Snake Sisters.”

At sa pagganap ni Liza Soberano bilang Darna, ito lang ang masasabi niya, “Magiging normal na lang ang sagot ko, hangga’t kilala niya si darna at kaya niyang i-portray at nagwo-workhard talaga para mai-portray ‘yun kahit sino naman po basta madadala at mabibigyan niya ng justice, okey po ‘yun.”

At dahil may taas na 5’6, may karapatang sumali si Ameera sa isang beauty pageant. Aniya, “kung kaya po, opo. Gusto ko rin. Sana makasali.”

Bukod sa mga TV show sa GMA, abala rin si Ameera sa lalo pang pagpapayabong ng kanyang career tulad ng pagsasanay sa pagkanta at pagsayaw para naman kahit saan siya ilagay ay kaya niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved