Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 12 kawani ng MMDA positibo sa droga
12 kawani ng MMDA positibo sa droga

12 kawani ng MMDA positibo sa droga

INIHAYAG ni Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, 12 kawani ng ahensiya ang positibong gumagamit ng ipinag­babawal na droga at kara­mihan sa kanila’y traffic enforcer.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Garcia, pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga kawani na gumaga­mit ng ilegal na droga.

READ MORE:  Pagbuwag sa 19 GOCCs OK sa Palasyo

Ayon kay Garcia, anim sa nabanggit ay nasa job order status, kaya awtomatikong tanggal sila sa trabaho.

Habang ang anim ay nasa casual at permanent status, kung kaya’t isa­sailalim sa due process.

READ MORE:  Retirado nagbaril sa ulo

Sa random drug test na ipinatupad ng MMDA sa kanilang tanggapan, 13 ang naunang nagpositibo sa paggamit ng droga ngunit 12 lamang ang pumasok sa tinatawag na confirmatory test.

Sinabi ni Garcia, nasa 1,000 kawani ng MMDA ang ipinatawag para isailalim sa ipinatutupad na random drug test ng ahensiya, na nagsimula noong 22-24 Mayo 2018.

READ MORE:  FDA, NBI sinalakay warehouse ng drugs! (Sa Parañaque City na naman ...)

Ngunit ang 20 porsiyento rito ay hindi nakapunta dahilan upang isyuhan ng memorandum para sa posibleng pagka­sibak sa trabaho.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved