Friday , March 29 2024

PH air freight market pinalakas ng Cebu Pacific

ANG nangungunang Philippine carrier Cebu Pacific (PSE: CEB) ay pumirma ng kasunduan sa Switzerland-based IPR Conversions Ltd para i-convert ang kanilang ATR 72-500 pas­senger aircraft patungo sa freighter planes. Dahil dito, ang Cebu Pacific ang magiging tanging passenger airline sa Filipinas na may dedicated cargo planes.

“We will be able to offer cargo capacity that no other carrier in the Philippines can provide,” pahayag ni Lance Gokongwei, President and CEO ng Cebu Pacific, “With the freighter aircraft, we will further support the growing needs of the logistics industry, especially as the Philippines’ e-commerce businesses expand rapidly and look for faster delivery schedules.”

LUMAGDA sa isang kasunduan ang nangungunang Cebu Pacific (PSE: CEB) sa Switzerland-based IPR Conversions Ltd para gawing freighter planes ang kanilang ATR 72-500 passenger aircraft. Ito ang kauna-unahang passenger airline sa bansa na magiging cargo planes.

Inaasahan ng Cebu Pacific ang pagdating ng una sa dalawang converted aircraft sa fourth quarter ng 2018. Ang cargo aircraft ay magpapatuloy sa pag-operate sa pamamagitan ng CEB’s wholly owned subsidiary, CebGo.

Ang IPR Conversions, nakabase sa Lausanne, Swit­zerland, ay kabilang sa nangu­ngunang ATR freighter conversion service providers sa mundo. Ang conversion ng dalawang CEB’s passenger ATR 72-500 aircraft patungo sa dedicated air freighters ay kabibilangan ng pagkakabit ng malaking cargo door, kaya maaari nang ikarga ang standard containers at pallets na ginagamit sa buong aviation industry.

Ang aircraft ay magka­karoon ng espasyo para sa pitong  (7) AKE Unit Load Device (ULD) containers; at maaaring magkarga pa ng pitong (7) tons ng cargo.

Ang dalawang aircraft ay parehong iko-convert sa pasilidad ng Sabena Technics DNR S.A.S. sa Dinard, France. Ang Sabena ay isa sa France’s leading maintenance and modification services (MRO) providers para sa civilian and military aircraft.

Ito ang hudyat ng first foray ng Cebu Pacific sa pag-operate ng specialized aircraft patungo sa transport cargo.

Dahil sa mahabang katawan para mag­kasya ang higit pang mga kargada, mas malapad na pakpak, at higit na malakas na turboprop engines, ang ATR aircraft ay ideyal para sa pagbi­yahe ng high-value and time-sensitive commodities katulad ng marine products, computing equipment maging heavy machinery patungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ay angkop sa paglapag at paglipad mula sa airports na may runways na kukulangin sa 1.2 kilometers long — na masyadong maikli para sa jet aircraft.

Tanging one-third ng 90 airports sa Philippines ang maaaring lapagan ng jets.

Ang Cebu Pacific ay may tinatayang 50% market share para sa  domestic air cargo, kasalukuyang gumagamit ng belly space ng passenger aircraft fleet nito.

Ang CEB’s cargo services ay lumalago, sa revenues na tumaas ng 29% nitong 2017, patungo sa P4.6 billion; at 26% sa first quarter ng 2018, patungo sa P1.3 billion.

About hataw tabloid

Check Also

Bernard Kaibigan Palawan

Pamilyang Pinoy protektado sa Palawan ProtekTODO

BATAY sa datos ng Philippine Insurance Commission, nananatiling mababa sa 1.75 porsiyento ang bilang ng …

Krystall Herbal Oil

Peleges sa noo nabanat ng Krystal Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Magandang araw …

Moira dela Torre Jethro Cerezo

Moira marami ang ginulat: sexy at  parang tin-edyer

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI ang nanibago at ginulat ni Moira dela Torre nang ipakikala ito …

KWF PNU UP DLSU

Lagdaan ng Kasunduan ng KWF, PNU-LSC, UP-Lingg, at DLSU-Filipino para sa idaraos na Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika

Idinaos ang lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Language Study …

80 NorMin Regional RDI Committee members meets for 2024 plans, initiative

80 NorMin Regional RDI Committee members meets for 2024 plans, initiative

Eighty committee members of the Regional Research, Development, and Innovation Committee (RRDIC) of Northern Mindanao …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *