Categories: Opinion

Sino sa “Cuneta sa Pasay” ang babangga sa mga Calixto?

UMUUGONG sa lungsod ng Pasay ang umanoý magtutungo sa tanggapan ng COMELEC ng lungsod ng Pasay ang magkapatid na Chet at Sharon Cuneta upang magpa-Biometrics dahil matunog ang balita na isa sa magkapatid na ito ay tatakbong Alkalde ng lungsod at makakalaban ni Congresswoman Emi Calixto-Rubiano na hahalili sa kanyang kapatid na si Meyor Tony Calixto, habang si Meyor naman ay tatakbo sa Kongreso… ibig sabihin ay magpapalit ng posisyon ang magkapatid na Calixto.

****

Nalathala sa isang tabloid na pahayagan ang kolum ng isang kolumnista,at naging viral ito sa social media at pinagpipilian pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino kina dating Congresswoman Connie Dy, Ex-Vice-Mayor Marlon Pesebre at incumbent District 2 Councilor Arnel “Moti” Arceo ang tatakbo para sa Kongreso sa lungsod ng Pasay.

****

MEGA UNITED OPPOSITION umano ang ila­larga ng Pangulo, at ito nga ay kinabibilangan ng magkapatid na Cuneta na anak  ng mahigit sa dalawang dekada na naging Alkalde ng lungsod ng Pasay. Kung may katotohanan ito, posibleng si Megastar Sharon Cuneta ang itatapat kay Congresswoman Emi-Calixto-Rubiano!

****

Nakagugulat ang biglang pagsabog ng balitang ito sa nabanggit na lungsod,ang ta­nong… magagawa kaya ng kasikatan ng megastar na matumba at pakainin ng alikabok ang magkapatid na Calixto, na matagal ding nagserbisyo sa lungsod ng Pasay? si Mayor Calixto na tatlong taon  naging konsehal at Bise-Alkalde ng lungsod bago ito naging Alkalde sa loob ng tatlong termino, at si Congw. Rubiano na three term councilor at 3 term Congresswoman na ibinuhos ng mahabang panahon ang kanilang buhay sa pagseserbisyo sa mga taga-Pasay, kompara  sa mga nagnanais  na tumakbo na wala pang naipakitang serbisyo sa mga constituents ng lungsod ng Pasay maliban sa anak ito ng  namayapang ama na si Ex-Mayor Pablo Cuneta.

****

Handa kayang bumuhos ng salapi ang mga Cuneta para magapi ang magkapatid na Calixto,dahil kilala ang lung­sod ng Pasay na isa sa ka­lakhang May­nila, na bawal tumakbo ang isang kandi­dato nang walang pon­­do para sa pa­ngangampanya nito! Kaya bang ubusin ni Mega­star ng ganon-ganon lamang ang salaping pinag­hirapan niya sa lara­ngan ng show­biz noong ka­sikatan niya? kaya ba niyang kom­binsihin ang may 201 na bi­lang na nga na Barangay Cap­tain na ma­ta­gal na inaala­gaan ng mga Calixto? Ilan lamang yan sa katanungan na dapat pakaisipin ng magkapatid na Cuneta bago isabak ang mga sarili sa larangan ng politika.

****

Natatandaan ko pa na ilang miyembro na ng pamilya Cuneta ang sumubok na pumasok sa larangan ng puliika sa lungsod ng Pasay, bukod tangi na si Mayor Pablo Cuneta lamang ang hindi magapi,ang anak nitong si Kuya Arding Cuneta, si Boy “Liit”Cuneta, na hanggang Pangulo lamang ng Liga ng mga Barangay ang naging posisyon,si Madam Elaine Cuneta na hindi pinalad ng tumakbo itong Congresswoman, sa kabila ng suportado ito noong sikat pa ang megastar, si Chet Cuneta na hindi rin pinalad. May kasabihan noon sa lungsod ng Pasay na” There’s only one Cuneta in Pasay, its Pablo Ämbo” Cuneta! Kung meron man Cuneta, ito ay si Tonya Cuneta,sabit pa sa mga Cuneta dahil manugang ito ni Mayor Pablo Cuneta at misis ni Boy “LIIT”Cuneta!

****

Walang kompirmasyon kung sino ang tiket para sa Kongreso sa binubuong MEGA UNITED OPPOSITION, nang makapanayam ng inyong lingkod si ex-Vice Mayor Marlon Pesebre,tunay umano na may natanggap siyang imbitasyon mula sa kampo ni dating Konsehal Richard Advincula na samahan ang magkapatid na Cuneta sa COMELEC, pero hindi raw umano siya darating. Gayondin si incumbent Councilor Moti Arceo,na nagsabi na wala siyang kaalam-alam sa plano ng magkapatid na Cuneta at ang kumalat na balita na isa si Arceo sa pinagpipilian para sa kongreso, dahil batid ng lahat sa Pasay si Arceo ay  nasa panig ng mga Calixto!inakusahan ni Arceo na isang “Black Propaganda” ang kumalat na balita at mariing itinanggi ito ni Councilor Arceo ang nadabing kumakalat na balita.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

 

COMMENTS
Amor Virata

Share
Published by
Amor Virata

Recent Posts

GRO ‘di natikman videoke bar niratrat 4 patay (Sa Cagayan)

APAT katao ang patay makaraan pag­babarilin ng mga suspek ang isang videoke bar nang hindi pumayag na makipagtalik sa kanila…

16 hours ago

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

16 hours ago

51 container vans ng basura mula sa South Korea itinambak sa PH?

HETO na naman, sanrekwang basura na naman ang dumating sa bansa sa pamamagitan ng mga container port. Kung dati ay…

17 hours ago

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa…

1 day ago

Natapilok na paa pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Madam Fely Guy Ong, Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo. Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo…

1 day ago

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang…

1 day ago