Thursday , April 25 2024

Leni nagdiwang ng VP’s 2nd anniv sa Basilan at Zambo

PINILI ni Vice President Leni Robredo na makisalamuha sa iba’t ibang komunidad na nangangai­langan sa Basilan at Zamboanga bi­lang pagdiriwang ng kanyang ika­lawang anibersaryo bilang pangala­wang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, ito ay patuloy na pagtupad sa pangako niya na alamin at subu­kang tugunan ang pa­nga­ngailangan ng mga nasa pinakamalalayo, pinaka­maliliit, at pinaka­ma­hihirap na komunidad sa bansa.

Nitong Biyernes, 29 Hunyo – isang araw bago ang anibersaryo ng kani­yang inagurasyon—bini­sita ni Robredo ang Sumi­sip at Lamitan City sa Basilan, dalawa sa mga lugar na sakop ng Angat Buhay anti-poverty pro­gram ng kaniyang opisi­na.

Sa Sumisip, nakilala ng Bise Presidente ang mga out-of-school youth na tutulungan ng kani­yang opisina para maka­ba­lik sa pag-aaral at makahanap ng trabaho, sa pakikiisa ng Dualtech Training Center Found­ation.

Sa Lamitan naman, dinalaw ni Robredo ang Yakan Tribe, na siyang nagpapatuloy ng “Ten­nun weaving.”

Dito, nakita ng Pa­nga­lawang Pangulo ang pangangailangan nila para sa isang weaving center, gayondin ang pag­kakataon na direktang maibenta ang kanilang mga produkto sa mas mataas na halaga.

Bago nito, nagtungo si Robredo sa Zamboanga City, para makasalamuha ang mga miyembro ng Yakan Tribe na lumikas doon sa gitna ng kagu­luhan.

Nakadalaw din siya sa cannery ng Mega Global MFC, ang producer ng Mega Sardines, na inaa­sahang maging kabahagi ng Angat Buhay.

Nabigyan din siya ng pagkakataon na maki­pag-usap sa ilan sa mga factory workers, vessel crew, at kanilang mga asawa,  ibinahagi nila ang kanilang saloobin kaug­nay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ang mga pagbisitang ito ay bahagi ng pro­gramang Angat Buhay ng Office of the Vice Pre­sident, na inilalapit ng tanggapan ang mahi­hirap ng komunidad sa mga nais magbigay ng tulong.

Sa kasalukuyan, tu­mu­tulong ito sa 176 ko­munidad sa bansa, at nakapagbigay nang higit sa P214-milyong halaga ng tulong para sa 132,018 pamilya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *