Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bintang sa NAIA Customs personnel, personal na binusisi ni Comm. Isidro Lapeña
Bintang sa NAIA Customs personnel, personal na binusisi ni Comm. Isidro Lapeña

Bintang sa NAIA Customs personnel, personal na binusisi ni Comm. Isidro Lapeña

MATAPOS personal na ipaabot ni Tourism Secretary Berna Romulo–Puyat kay Customs Commissioner Isidro Lapeña ang reklamo umano ng isang Chinese national na siya ay kinikilan (extorted) ng ilang Customs personnel sa NAIA, ay agad itong inimbestigahan ng Customs chief.

Ang imbestigasyon ay hindi iniutos ni Customs Commissioner Sid kundi personal niyang ginawa.

Agad siyang nagtungo sa tinutukoy na lugar sa NAIA base sa reklamo para magsagawa ng ocular inspection.

Isa sa mga unang tiningnan ng Customs chief ang CCTV footage. Ito nga naman ang higit na makapagpapatunay kung ano talaga ang naganap.

READ MORE:  Konsehal Roderick Paulate lucky sa ghost employees?

Napanood nila ang buong araw na footage, pero wala silang nakitang taga-Customs na nangikil ng pasahero sa nasabing CCTV footage.

Kung totoo ngang Customs personnel ang nangikil tiyak na maka­titikim siya nang hindi niya malilimutang disiplina.

Pero walang sangkot na Customs personnel, klarong klaro sa CCTV.

Ipinagpasalamat naman ito ni Commissioner Sid pero siyempre hindi naman siya natuwa dahil ang mukha at dangal ng bansa ang nakasalang dito.

READ MORE:  Hokus-pokus sa 148 chinese nationals

Hiniling rin niya na sana’y maging maingat at huwag naman kaagad na Customs ang ituturo kung sakaling may extortion na ginawa sa isang dayuhan o pasahero.

Nagpulong din ang mga kinatawan ng 10 ahensiya ng pamahalaan na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaya agad nilang napag-usapan ang insidente at natukoy na rin kung sino ang ‘suspek.’

READ MORE:  Raket ng visa reader nabuking na!

Good job Commissioner Sid!

Mukhang ito na ang panahon para mag-iba naman ang imahen ng Bureau of Customs (BoC) lalo na sa NAIA.

Kudos po sa lahat ng nagkakaisang puwersa na nais maghatid ng pagbabago sa Customs.

Good luck po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved