Wednesday , April 24 2024

Kris, nahanap na ang ‘the one’ at ‘forever’

INILI-LINK ngayon si Kris Aquino kay Atty. Gideon Peña, isang Bicolano lawyer.

Nangyari ito matapos magpalitan ng sweet messages sa kani-kanilang social media accounts. At marami ang kinilig na mga follower nila sa mga hugot nila tungkol sa usaping love.

Paano nga ba nagsimula ang magandang relasyon ng dalawa?

Nagsimula ang magandang relasyon ni Kris sa guwapong abogado nang ipagtanggol ni Atty. Gideon ang kanyang amang si Benigno “Ninoy” Aquino laban kay Mocha Uson. Ito ‘yung tungkol sa pagkukompara sa paghalik ng dalawang babaeng kasakay sa eroplano ni Ninoy sa kissing photo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW sa Korea.

Matatandaang nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng isang quote card na may nakasulat na, “Don’t rush into love, because even in fairytales, the happy ending takes place on the last page.”

Sinagot naman ito ni Atty. Peña ng, “True love doesn’t have a happy ending because true love never ends.”

Nag-post din ang abogado sa kanyang IG account ng isang hugot line na, “Sana sa susunod na paglingon ay nariyan ka.” Sagot naman dito ni Tetay, “Atty G – if this is for me, wait lang please – I’m shooting for @samsungph now… but if it’s not – she’s a very lucky girl. (Sorry ha, the original Twitter posts were already sent to me by several people & this now popped up on my phone. Change of setup so I got to check IG).”

Sagot ni Atty. Peña, “It’s just a shout into the void. The things I really mean are sent in private. P.S. Check your viber.”

Sinasabing nag-date na sina Kris at Atty. base na rin sa ipinost na litrato ng Bicolano lawyer na kahit tinakpan ng emojis ang mga mukha ng nasa photo ay halata namang silang dalawa ‘yun ni Kris.

Si Atty. Gideon Peña ay tubong-Legazpi, Albay, kumuha ng Political Science sa UST-Legazpi at nagtapos ng Bachelor of Laws sa Far Eastern University Institute of Law.

Marami ang kinilig sa palitan ng hugot nina Kris at Gideon at ang wish nila sana’y natagpuan na nga ni Kris ang kanyang “the one” at “forever” kay Atty. Gideon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *