Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ice, abala sa hormone replacement therapy
Ice, abala sa hormone replacement therapy

Ice, abala sa hormone replacement therapy

TINATANGGAP naman kita, eh. For me, you’re a man.” Ito ang sinabi kay Ice Seguerra ng kanyang asawang si Liza Dino na naikuwento nito sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN.

Pinasalamatan naman ni Ice ang asawa sa naging pahayag nito pero ayon sa kanya, “Sabi ko, ‘It’s not about that. Thank you for accepting me. But the problem is me accepting me.

“I’ll be very honest. Noong una, ‘andoon din ako sa parang, ‘Why?’ Bakit kailangan? Bakit ganito?’ Pero alam mo, Tito Boy, sometimes, especially noong nag-come out na ako as trans, it’s so hard waking up every day seeing that you’re in this body. Alam mo ‘yung pakiramdam na hindi naman ito dapat ‘yun?”

READ MORE:  Sex ang sekreto ng kasariwaan
READ MORE:  Barangay LS97.1 at DZBB 594, wagi sa Gandingan 2018

Bilang trans man ay sumagi sa isip nito ang pagsailalim sa sexual reassignment surgery at ito ngayon ang kanyang pinagkaabalahan, ang sumasailalim sa ‘hormone replacement’ therapy.

Ilan sa side effects nito ay ang pagkakaroon ng facial hair, pagbabago sa boses, at increased muscle mass. ”Of course, pinakamalaking issue talaga riyan is ‘yung boses kasi people love what they hear sa akin. It is a big risk. This is my bread and butter. Siguro naman ‘yung ganda ng boses, hindi mag-iiba. It’s just that bababa siya ng kaunti and all those things.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved