Saturday , April 20 2024
Sipat Mat Vicencio

Walang saysay makipag-usap sa Simbahang Katolika

HINDI na dapat pinag-aaksayahan pa ng panahon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Simbahang Katolika. Sa halip kasing maki­pag-usap pa rito, mas mabuting pinagtutuunan na lamang ng pansin ni Digong ang ibang pro­blemang kinakaharap ng kanyang adminis­trasyon.

Tama, walang saysay na makipag-usap sa Simbahang Katolika! Walang ginawa ang mga pari at obispo kundi ang batikusin ang kasalukuyang administrasyon at ipalaganap sa pulpito ang galit laban kay Digong.

Kung tutuusin, wala na naman talagang pumapatol sa mga pari at obispo pero muling silang ‘nabuhay’ nang sabihin ni Digong sa kanyang talumpati na estupido ang Diyos.  At dahil dito, parang mga patay na sabay-sabay na bumangon mula sa hukay ang mga tinaguriang  ”alagad ng Diyos” at sunod-sunod na inupakan si Digong.

Pero hindi na nga ito nakapagtataka dahil noon pa man, ang mga pari at obispo ay walang ipinagkaiba sa mga politiko. Laging nakasawsaw at nakasahog sa usaping bayan, at nakiki­pagbangayan sa mga congressman, senador, governor at mayor.

Kaya nga, maitatanong tuloy kung nasaan na ang salita ng Diyos na dapat ipalaganap ng Simbahang Katolika? Imbes kasi na magandang balita ang ipahayag sa kanilang mga deboto, walang inatupag ang mga pari at obispo kundi ang mamolitika.

Marami tuloy ang nagsasabing ang Simba­hang Katolika ay bahagi ng isang malaking gru­pong nagpaplanong pabagsakin ang adminis­trasyon ni Digong. Walang ipinagkaiba sa dilawan at leftist organization ang Simbahang Katolika na walang tigil sa kababatikos kay Digong.

Hindi pa ba sapat na pruweba ang ginawang pagpapatalsik sa puwesto kina dating Pangulong Marcos at Estrada?  Hindi maikakaila ng Simbahang Katolika ang malaking papel na kanilang ginampanan sa pagpapabagsak sa dalawang lider.

Ngayon, lalong nabigyan ng lakas ng loob ang mga pari at obispo matapos magbuo ng komite si Digong para sa isang dialogo na maaaring lumutas sa hidwaan ng gobyerno at ng Simbahan Katolika.

Pero kung inaakala ni Digong na hihinto o titigil ang mga bunganga ng mga pari at obispo ay nagkakamali ang pangulo.  Asahang lalong magiging mabalasik ang mga puna at atake ng Simbahang Katolika kay Digong at hindi ito titigil hangga’t hindi siya umaalis sa kanyang puwesto.

Asahang sa mga darating na linggo, maglulunsad na naman nang sunod-sunod na kilos-protesta ang mga kalaban ni Digong, at tiyak pangungunahan ito ng makakaliwang grupo, dilawan at siyempre pa ng mga pari, madre, at seminarista na pawang naka-sotana tangan ang rosario at Biblia.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *