Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon
Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon

Pray over ‘di tatalab kay Digong — Solon

READ: Nota Bene: Mura, away sa pari bawal: Duterte may ‘gag order’ sa speech

READ: Tulong ni Evasco ikinasa sa dialogo sa simbahan

READ: Oath of office nilapastangan ng pangulo

Ang balak ng mga pari na i-pray over si Pang Duterte ay magiging walang saysay.

Ayon kay Akbayan Rep  Tom Villarin, “Du­ter­te is beyond pray overs.”

READ MORE:  2 milyon mag-aaral makikinabang sa free meals ng pamahalaan

Ibinenta na, aniya, ni Duterte ang kanyang kaluluwa sa demonyo. “

“He has sold his soul to the devil and the only redemption is voluntary renunciation of the pre­sidency as an act of pers­onal atonement,” ani Villarin.

Kaugnay nito, binatikos ni Villarin ang Simbahang Katolika sa sobrang lambot kay Digong.

READ MORE:  Bilibid riot ikinagulat ng PNP chief

Ani Villarin, bulag ang simbahan sa mga nangyayari sa samba­yanan na naghihirap dahil sa extrajudicial killings, mataas na inflation, pag­kawala ng pana­nagutan at ang pagbebenta ng ating soberanya sa China.

Hindi nakikita ni Cardinal Tagle ang kabu­uan ng kalagayan ng ma­mamayan sa kabila ng patuloy na pag atake nito sa simbahan, ang pagmu­ra sa Santo Papa, ang pangangatuwiran sa pagpatay sa mga pari at ang patuloy na extra­judicial killings.

READ MORE:  Ordanes maaari nang umupong mayor sa Aliaga -Cabanatuan judge

Aniya, isang kawalan si Cardinal Sin na nagsu­long ng mapayapang 1986 people power revolt sa mga panahong ito.

Sinabi ni Villarin na hindi dapat mahulog sa bitag ang simbahan sa pagtawag ni Duterte sa usapan.

(Gerry Baldo)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved