Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Emma Cordero, may series of shows sa US
Emma Cordero, may series of shows sa US

Emma Cordero, may series of shows sa US

MATA­GUMPAY ang naging birthday concert ni Emma Cordero na ginanap last Friday sa Ka-Freddie’s Music Bar.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-celebrate si Ms. Emma ng kanyang birthday ng almost one month. Bago siya umalis ng Japan, nagkaroon din siya roon ng series of birthday concert. Dedicated niya ang lahat ng concert niya sa kanyang mga tinutulungang kabataan.

READ MORE:  Sikat na babaeng personalidad, hiniwalayan ang dyowa dahil sa baba ng IQ

Isa sa birthday wish ni Ms. Emma na lumaki ang school niyang Our Lady of Fatima School sa San Pedro, Laguna. Nasa school na iyon ang mga scholar niya simula Nursery hanggang High School. Gusto niyang  magkaroon na rin ng kolehiyo rito para mas marami siyang mapag-aral.

READ MORE:  Wansapanataym, mapapanood na tuwing Linggo

Nagtungo si Ms. Emma sa Amerika noong June 27 dahil may show at fundraising  for the construction  of Filipino Cultural Center sa LA. At sa June 29, tutungo siya sa Las Vegas.

READ MORE:  Cebuano na child stars sa FPJ’s Ang Probinsyano natural, mahusay umarte (Coco binigyan ng bagong cellphone sina Paquito at Ligaya)

Lagari sa mga hotel sa Las Vegas si Emma dahil may show siya sa mga kababayan natin sa Nevada. May show sa ibang venue roon sa July 3, 4, 6, at sa July 8 ang balik niya sa Japan.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved