Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, nabiktima ng basag-kotse-gang sa Sanfo
Dingdong, nabiktima ng basag-kotse-gang sa Sanfo

Dingdong, nabiktima ng basag-kotse-gang sa Sanfo

MABUTI na lang at hindi nakuha ang pasaporte at visa documents ni Dingdong Avanzado nang tangayin ng basag-kotse gang ang body bag niyang naglalaman ng pitaka at credit cards na iniwan niya sandali sa kotse niya sa San Francisco, California noong Biyernes.

Ayon sa post ni Dingdong ng litrato ng basag na salamin ng kotse niya, “Took me awhile to post. This is what caused me so much stress over the weekend. My body bag was stolen along with my wallet, drivers license, some cash and some credit cards. Thankfully, no one was hurt. Just felt a little bit traumatized by this incident. It really is sad that this has become more rampant in this day and age. Wishing this won’t happen to any of my friends and family.  #brokenwindow #unfortunateevents.”

Sobrang nag-aalala naman ang asawa ng mang-aawit na si Jessa Zaragosa dahil hindi sila magkakasama ng mga oras na iyon.

READ MORE:  Sino kaya ang nagbibigay ng stress kay Kuya Germs?

Pahayag ni Jessa sa kanyang IG account, “So glad we made it to Sunday service here at Cornerstone Baptist Church and met Pastor Danny & his Family as well as kuya Tony & ate Letty & company. Prayed for my husband, @iamdingdong_a, who’s still quite shaken, after what happened 2 days ago, at a driving range here in Vallejo. Someone broke into his car and stole his body bag (the @worldbalanceph bag he was carrying in the last pic) containing a couple of his personal effects and valuables.

“Just sharing this as to warn and remind all of us to be more careful, wherever you are Never leave anything in your car, no matter how long you are going to be gone.

READ MORE:  Lloydie, itinuturong dahilan daw ng tampuhang Bea at Zanjoe

“Refrain from bringing your important documents if they are unnecessary to where you are going/to the errands you are running. I must give credit to my husband, for having the presence of mind to call 911, despite being shell shocked by the incident, and reporting the stolen bag. On the bright side, Nobody was hurt physically, and I told Dingdong that it’s a good thing that he wasn’t there when this all happened, and that his safety is far more important than those stolen material things #theavanzadosusa2018.”

Base sa kuwento sa amin ng road manager ng mga Avanzado na si Jessa Azurin ng Cornerstone management, umuuwi ng Amerika ang mag-anak para sa immigrant visa nila at kasabay niyon ay may shows din si Dingdong doon.

READ MORE:  Hindi porke biritera ka, magaling ka na — Marissa

Nabanggit pang patungong Hawaii si Dingdong dahil kasama siya sa ASAP in Honolulu sa Linggo, Hulyo 1.

Dagdag kuwento rin ni Jessa na rampant ngayon sa Sanfo ang basag-kotse kaya pinag-iingat ang lahat na huwag mag-iiwan ng gamit sa sasakyan na puwedeng pag-interesan. Kung maaari ay iwan na lang sa trunk na hindi nakikita.

Samantala, sa Hulyo 18 ang balik nina Dingdong, Jessa, at Jayda ng Pilipinas na puwedeng hingan ng update kung naibalik na ang mga nawalang gamit.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved