Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / EasyTV, sagot sa magandang panonood ng telebisyon
EasyTV, sagot sa magandang panonood ng telebisyon

EasyTV, sagot sa magandang panonood ng telebisyon

ANG bongga naman nitong Easy TV ng Solar Digital Media dahil hindi lamang nito nais itaas ang antas ng panonood ng telebisyon, kundi nagbibigay pa ito ng15 premium local at international channels para sa mga multi-genre programming mula sa general entertainment at kids, music at sports, hanggang sa travel at lifestyle, at marami pang iba.

Inilunsad itong bagong Super Digibox sa Philippine Market noong May 25 na isang DTT service na may local free to air and international channels na nagbibigay ng mataas na antas ng kalidad ng entertainment program sa pamamagitan ng premium at exclusive content.

READ MORE:  Bayani Agbayani mas naka-focus sa kanyang craft

Bale ang Solar Digital Media Holdings, Inc., subsidiary ng Solar Entertainment Corporation, isa sa pinakamalaking content providers at channel operators sa Southeast Asia ang nagdala ng EasyTV sa mga viewer para magkaroon ng access sa quality entertainment sa murang halaga lamang.

“Easy TV offers consumers a convenient, practical and affordable means to access and enjoy great television content. By combining premium channels with local free to air broadcasts, EASY TV delivers quality entertainment in one small but very powerful super digibox,” ani Rene Esguerra, Chief Operating Officer ng Solar Digital Media.

READ MORE:  Pagbabago ni JM, pinagdududahan

Bukod sa Solar Entertainment networks na ETC, Jack TV, Solar Sports, BTV, at NBA Premium TV, kasama ring mapapanood sa EasyTV ang MTVph, BOO, K Plus, Zoo Moo (world’s first children’s network channel na para lamang sa Animal World), AniPlus, Outdoor Channel, Gone Viral TV (popular online videos na nasa TV! na), Zee Sine (Bollywood entertainment), Shop TV, at History Channel.

“As viewing habits are changing with the times, we believe that EasyTV will also be a game-changer, not only in the viewing experience, but also in the digital media industry in the country,” giit naman ni Wilson Tieng, President at CEO ng Solar Entertainment Corporation.

READ MORE:  Paano lulunasan ang depresyon at kalungkutan

Sa halagang P2,999, mabibili ang EasyTV at mae-enjoy na ang unique experience ng pagkakaroon ng amazing channels. Ito’y available sa Quezon City, Marikina, Taguig, Muntinlupa, Pasig, North Caloocan, at East Antipolo. Para sa kompletong listahan ng puwedeng makunan nito, pumunta lamang sa www.easytv.ph. O kung gusto ninyong umorder, tumawag lamang sa 817-7000.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved