Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Sobrang bantot ng Maynila, gabundok ang mga basura

Sobrang bantot ng Maynila, gabundok ang mga basura

TRENDING sa buong mundo ang pagbaho ng Maynila sanhi ng mga ba­ra­dong estero at naka­­susukang amoy mula sa nagtambak na basu­rang hindi naha­hakot.

Sa mga looban man, maging sa mga pangu­nahing lansangan ay gabundok ang mga ba­sura na hindi nako­kolekta kaya’t umaa­lingasaw ang mabahong amoy sa buong lungsod.

Ayon sa isinagawang pag-aaral na napalathala kamakailan, pangatlo ang Maynila sa mga lungsod sa mundo na sumisira ng karagatan na sanhi sa pagkalason ng mga isda na nakakain ng mga bulok na bagay at ‘di nabubulok tulad ng plastic na inaanod sa karagatan mula sa mga ilog at estero.

Hindi lang ngayon, kung ‘di may limang taon nang nagsimula ang unti-unting paglala ng problema ng basura sa Maynila na ngayon lamang pinansin sa atin matapos kumalat sa ibang bansa ang balita sa pagbaho ng Maynila.

Ikinakatuwiran ng Manila City Hall na kesyo ayaw raw payagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makaraan ang mga truck na nagdadala ng nahakot na basura para maisalin at maisakay sa mga barge o lantsa patungong Navotas.

READ MORE:  Dapat pantay ang pagpapatupad ng batas sa mayaman o mahirap

Rason ng Manila City Hall, ang pagharang daw ng PCG ay dahil sa pagsama ng panahon dulot ng bagyo noong nakaraang linggo.

Kung totoo ‘yan, bakit hindi nagkaroon ng kaparehong problema sa gabundok na basura ang ibang kalapit na lungsod ng Maynila na doon din nagdadala ng kanilang hakot sa Harbour Center para ihatid sa Navotas landfill?

Hindi kaya sa bayaran at kontrata sa kompanyang humahakot ng basura may problema ang City Hall?

Sino ba ang kompanyang kakontrata ng Maynila sa paghahakot ng basura?

Ilang beses ba sa isang araw sa loob ng isang linggo dapat humakot ng basura ang garbage contractor, alinsunod sa kontratang pinasok ng Manila City Hall?

‘Di ba ang may-ari ng Harbour Center ay kaibigan ni Isko Moreno na si Reghis Romero II at kasosyo naman ng mga Tiangco sa Navotas landfill?

Wala kayang problema sa pagitan ng Navotas landfill at ng garbage collector na kakontrata ng Maynila sa pagbabayad?

READ MORE:  Bentahan ng shabu sa QC Jail tinuldukan ni Moral!

Magkano kaya ang ibinabayad ng Manila City Hall sa kakontratang garbage contractor na walang sapat na kakayahan dahil sa kawalan ng angkop na kagamitan sa paghakot ng basura?

Aprobado na ba ang operasyon at pagbubukas ng isa pang landfill sa Obando, Bulacan – ang karibal ng Navotas landfill sa negosyo na balak paglipatan at pagtapunan ng mga basurang nahahakot sa Maynila?

MMDA, DILG OFFICIALS
ANG NASUGPO NG ILLEGAL
TERMINAL SA LAWTON

TULUYAN nang nasugpo ang mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ng pinakamalaking illegal terminal sa Plaza Lawton na kanilang kinasuhan.

Baligtad po ang nangyari dahil ang mga opisyal pa ng DILG at MMDA ang umiiwas ngayon na magpatupad ng batas laban sa salot na illegal terminal sa Lawton na sakop ng Bgy. 659-A na dating pinamumunuan ni ex-chair Ligaya Santos.

READ MORE:  Bagong GM ng MIAA inaabangan na ng mga empleyado

Sa mga loobang kalsada ibinaling ngayon ng MMDA ang pagsasagawa ng clearing operations matapos magbalikan sa dating gawi ang illegal vendors at pesteng illegal terminal sa Lawton.

Nasaan ang sinasabing kaso na isinampa nina DILG Usec. Martin Dino at MMDA chairman Gen. Danilo Lim laban kay Santos?

Ang kaso pala na tinutukoy ng DILG at MMDA laban sa mga opisyal ng barangay ay sa diyaryo nila isinasampa kaya naman ni isang kolektor ng “tong” sa mga illegal terminal at illegal vendors ay wala silang naaresto.

Bakit imbes mabawasan ay nadoble ang illegal vendors sa Roxas Blvd., sa Baclaran pagkatapos ng ilang beses na clearing ops ng MMDA?

So, tumitimbre lang ang DILG at MMDA para maka­parte sa malaking koleksiyon ng sin­dikato mula sa illegal terminal at illegal vendors?

Que barba­ri­dad!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved