Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P6.8-M damo sinunog sa Cebu
P6.8-M damo sinunog sa Cebu

P6.8-M damo sinunog sa Cebu

UMAABOT sa P6.8 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinunog sa isang plantasyon sa Brgy. Tagbao, Cebu City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Habang arestado ang sinabing nangangalaga sa mga tanim na marijuana na si Ireneo Borres, 50 anyos. Ayon sa tagapagsalita ng PDEA-7 na si Leia Albiar, naabutan ng grupo si Borres na nagdidilig ng mga tanim na marijuana.

READ MORE:  AWOL na pulis, 1 pa patay sa shootout
READ MORE:  Misis kinatay ni mister saka nagpakamatay

Umabot sa 17,172 tanim ng marijuana ang natagpuan sa nasabing plantasyon na agad binunot ng mga awtoridad.

Dahil mahirap ibaba mula sa bukid ang libo-libong tanim na marijuana, napagdesisyonan ng grupo na sunugin ito sa lugar.

READ MORE:  Jailbreak sa Zambo (4 patay, 9 sugatan)

Dagdag ni Albiar, dalawang linggo nilang sinubaybayan ang plantasyon bago nila inilunsad ang pagsalakay.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved