Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Nangangamoy basura si Erap
Nangangamoy basura si Erap

Nangangamoy basura si Erap

MAGANDANG abangan ang mayoralty race sa Maynila sa darating na 2019 elections. Hindi lamang kasi sina dating Mayor Alfredo Lim at dating Vice Mayor Isko Moreno ang inaasahang babangga kay Manila incumbent Mayor Joseph “Erap” Estrada kundi pati na rin si dating Mayor Lito Atienza na ngayon ay miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Hindi nakasisiguro si Erap ng kanyang panalo sa darating na halalan dahil tiyak na mahahati ang boto ng mga Manileño, at malamang na masulot siya ng isa sa tatlong nag-aambisyong kandidato na maging alkalde ng Maynila.

Tagilid ngayon si Erap. Hindi na kasing-bango si Erap nang unang manalo siya bilang mayor ng Maynila noong 2013. Nangangamoy basura na ngayon ang dating pangulo. Ang Maynila ay tinabunan na ng basura, at ang dating malinis at maayos na siyudad ay pinamahayan na ng mga daga, ipis, langaw at pusa.

READ MORE:  Warrant of arrest sa mga drug suspek CJ Sereno?

Nakalulungkot dahil sa ilalim ng pamumuno ni Erap, lumaganap ang prostitusyon, sugal at droga. Hindi lamang bisyo ang naglipana sa Maynila kundi patuloy din ang pagdami ng mga istambay, pulubi, iskuwater at mahihirap.

Sa ilalim ng pamamahala ni Erap, lumala ang problema sa trapiko, peace and order, at kabilang na ang walang habas na ‘pagsibak’ sa mga vendor nang hindi man lamang binigyan ng panibagong kabuhayan.

READ MORE:  Puwesto ni BI Commissioner Siegfred Mison target ng kaliwa na nasa Palasyo?!

At pati amilyar ay tinaasan din ni Erap. Hanggang ngayon, ang mga negosyante ay galit pa rin kay Erap dahil sa ginawa niyang mataas na pagbubuwis.

Marami nang atraso si Erap sa mga Manileño at malamang na kalusin na siya sa darating na halalan.  Hindi rin siya nakasisiguro na muling mahahalal bilang mayor dahil sa ginawa niyang pagpapabaya sa lungsod.

Kaya nga, meron nang pagpipilian ang mga botante sa Maynila – Lim, Isko at Atienza!

MON YUPANGCO
AT NELSON TY SA LIGA
NG MGA BARANGAY

KAABANG-ABANG din ang magiging eleksiyon ng Liga ng mga Barangay, Manila chapter sa darating na Agosto. Mahigpit na magkalaban sa pagkapangulo sina Nelson Ty ng distrito 3 at Mon Yupangco ng distrito 5.

READ MORE:  Ex-CIBAC Party-list Rep. Joel Villanueva sinibak ng Ombudsman sa P10-M agri pork barrel scam

Ang maayos na pagpapatakbo ng kanilang mga barangay ang magiging batayan para manalo ang isang kandidato na tumatakbo bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay. Patutunayan ito sa darating na eleksiyon kung sino ang pipiliing mamumuno sa nasabing samahan.

Sa mga barangay chairman, maghalal po tayo ng karapat-dapat na mamumuno sa Liga ng mga Barangay. ‘Yung tunay na maasahan at makapaglilingkod sa mamamayan.

SIPAT
ni Mat Vicencio

COMMENTS

About Mat Vicencio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved