Sunday , July 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mental Health Act nilagdaan ni Duterte
Mental Health Act nilagdaan ni Duterte

Mental Health Act nilagdaan ni Duterte

NILAGDAAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11036 o Mental Health Act kahapon.

Ang batas ay may layuning isulong ang proteksiyon sa karapa­tan ng mga taong may kapansanan sa pag-iisip sa pamamagitan nang paglalaan ng pondo para sa integra­ted men­tal health services.

Base sa batas, titi­yakin ng estado ang maagap, abot-kaya, de-kalidad at “culturally-appropriate” na mental health care at ang sakit sa pag-iisip ay gagamutin at maiiwasan.

“The State also ensures that timely, af­ford­able, high quality, and culturally-appro­priate mental health care is made available to the public; services will be free from coercion and ac­countable to the service users; and those with mental health conditions are able to exercise the full range of human rights, and participate fully in society and at work, free from stigmatization and discrimination,” ayon sa batas.

Isa sa mga pangu­nahing layunin ng batas ay lumikha ng isang “com­prehensive, inte­grated, effective, and efficient national mental health care system” na tutugon sa psychiatric, neurologic, at psy­cholo­gical needs ng mga Fili­pino.

Kasama rin sa men­tal health services ang mga mekanismo para sa suicide inter­vention, prevention at response strategies na may par­tikular na pagtutok sa mga kabataan.

May mga itatakdang hotlines para umasiste sa mga indibiduwal na may kondisyon sa pag-iisip, na bukas 24-oras.

  (ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved